Magic 12: [Ricks the Power of 'Time']

1.4K 32 0
                                    

Magic 12: [Ricks the Power of 'Time']

"k-kailangan k-ko m-maging L-Level 15 a-agad..." hirap na hirap akong magsalita.

"Hindi mo kaya iyon. Mahihirapan ka."

"k-kahit a-ano g-gagawin k-ko. B-basta k-kailangan k-ko------" hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Tuluyan ng bumigay ang katawan ko at pumikit na ang mga mata ko.


THIRD PERSON'S POV

Hindi na kinaya ng katawan ni Abreena at tuluyan na itong bumigay. Buti na lamang at naka cardigan ang binata, hinubad niya ito at ipinatong sa katawan ng dalaga dahil ang mga damit nito ay sira sira na. Binuhat niya ito na parang pangkasal.

Kinontak niya ang mga kaibigan nito sa pamamagitan ng isip lamang. Oo tama kayo sa isip lamang, limang tao lang ang nakakagawa noon, ang hangin, apoy, tubig, lupa may isang tao pa ang kanilang hinahanap.

Kailangan nila ang taong iyon siya ang magiging daan upang matalo ang Dark Wizard Academia.

Dinala muna ni Lander ang dalaga kay Kiel upang mapaggaling agad ito.

"Mukhang masyado na niyang inaabuso ang katawan niya." pahayag ni Kiel.

"Gusto niya sa darating na biyernes ay maging level 15 agad siya."

"Napaka imposible ang gusto niyang mangyari."

"Kanina ko pa sinasabi sa kanya iyan. Pero parang wala siyang naririnig."

Natapos na pagalingin ni Kiel si Abreena.

Kinausap na ni Lander ang mga kaibigan nito upang makapagpahinga na ng maayos ang dalaga.

Agad naman narinig ni Jhenka at Hans ang boses ng isang lalaki. Nagkatinginan silang dalawa.

"Narinig mo ba iyon?" takang tanong ni Hans.

"So ibig sabihin hindi lang ako ang nakakarinig?"

"Malamang kaya nga kita tinatanong eh!"

*Tok tok*

May kumakatokt binuksan ito ni Hans.

"Ano nangyari?" bungad agad ni Hans. Nagulat siya ng mapansin niyang buhat ng binata si Abreena.

"Saan ang kama niya?" tinuro naman ni Jhenka ang kama upang maihiga na doon ang dalaga.

"Hayaan niyo muna siyang makapagpahinga."

"Ano ba nangyari?" tanong naman ni Jhenka.

"Sigurado akong alam niyo na ang nangyari kung bakit s'ya ganyan. Kailangan ko ng umalis alam niyo naman na bawal ang lalaki dito." tumango na lamang ang dalawa at umalis na si Lander.

Samantalang...

"Hindi pa po ba ako pupunta doon?" tanong ng dalaga.

"Masyado pang maaga para d'yan maghintay ka muna." sagot sa kanya ng lalaki. Nakatalikod ito sa dalaga.

"Pero gusto ko na pong maghiganti." inis na sagot ng dalaga.

"Hindi pa ito ang tamang panahon."

"Pero ...."

"Susundin mo ba ako o papatayin kita?" bigla na lamang nanlamig ang boses nito at kinilabutan ang dalaga.

Magical Temple Academy [Fantasy (OnGoing)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon