Magic 14: [The Battle]

1.4K 38 2
                                    

Third Person's POV

Napangiti na lamang s'ya dahil sa nabasa niya. Hindi n'ya lubos akalain na magkakaroon siya ng mga kaibigan. Laking pasasalamat niya at nakilala niya ang mga ito. Lumabas na siya ng dorm niya at bumaba na siya.

Medyo sumasakit pa din ang katawan niya dahil sa mga sugat niya na hindi pa tuluyang naghihilom. May napansin siyang pigura ng lalaking nakatalikod. At sigurado siyang kilala n'ya ang lalaking iyon ... lumingon ito sa kanya.

"Ilang oras ka ba natutulog? Isang buong araw!?" hindi nga siya nag kamali ng hinala. si Fritz ang nag-aabang sa kanya.

"Eh. bakit na naman ba? Hinintay mo ba ako?"

"Tsk! Asa ka! Bakit kita hihintayin!? Ito oh!"sabay bato ng binata ng bote buti na lamang at nasalo ng dalaga.

"Ano to?" kunot  noong tanong ng dalaga.

"Malamang bote ano pa ba sa tingin mo!?"

"Oo alam kong bote! I mean yung nasa loob, ano yon?"

"Gamot ata?"

"FRITZ!"

"Gamot nga! Ang tanga mo naman! Kainin mo na lang para malaman mo!"

Ininom naman ng dalaga iyon, ayaw na niya makipagtalo sa binata dahil alam niya na ngayon ay hindi siya mananalo rito dahilan na din na masakit pa ang mga katawan niya.

Ilang saglit pa ay nararamdaman na niya ang unti unting pag epekto ng gamot.sa katawan niya. Lumalakas ulit siya at bumabalik na ang dati niyang lakas.

Lumingon siya kay Fritz na ngayon ay naka poket face "Effective ba?"

nag nodded na lang siya at maya maya pa ay "Waaaaah!! Thank youuu.." Niyakap niya ito.

Nagulat si Fritz sa ginawa ng dalaga kaya hindi siya agad nakagalaw sa kinatatayuan niya. Napansin ata ni Abreena na napayakap s'ya, siya na mismo ang nagtanggal.

"A-ah s-sorry." nakayukong sabi nito.

"ANO KA BA!? BAKIT KA BA BIGLANG NANGYAYAKAP!?" halata ang inis sa boses nito.

"KAYA NGA SORRY NA EH!"

"psh!" tumalikod na ang binata at nagsimula ng maglakad palayo.

"Saan ka pupunta?"

"MALAMANG AALIS NA MAGSISIMULA NA EH!" Nagpatuloy lang maglakad ang binata ngunit napangiti ito ng lihim. Sumunod na lamang ang dalaga at nagtungo na sila sa kaniang dapat puntahan.

pagkapasok pa lamang ay Manghang manha ang dalaga sa nakikita.

"WOOOOOOW! HANGANDAAAA!!" nagniningning ang mga mata nito.

"Tsk." Lumakad ang binata pa baba. Ang itsura ng parang pinaka training center na ito ay parang yung sa Las Vegas kapag may laban si Pacman. Ganun na ganun ang itsura nun kaso lamang ang pinaka gitna o Ring ay may parang pabilog o bolang crystal na ang nasa loob ay ring.

Habang naglalakad ay hindi maiwasan magtanong ng magtanong ni Abreena. Hatalang ngayon lamang siya nakakita ng ganon.

"Oy oy! Anong tawag doon sa parang bolang crystal?"

"Psh! I have a name."

"*Pout* ang arte. Oh sige na meno ano tawag doon?"

"What the fcvk is Meno!?" inis na tanong ng binata.

"Short for Menopause lagi kasing mainit ulo mo." *pout*

*Death Glare*

"Waaaaah! Sagutin mo na kasi ang tanong ko!" pangungilit nito.

"Shield yon, para kahit na anong gawin ng nasa loob ay hindi matatamaan ang mga nanonood."

"Ah, eh hindi ba iyon masisira agad?"

"Tingin mo magtatagal ba iyan kung hindi yan masisira?"

"Nagtatanong lang eh! Amp." *pout*

"Stop pouting! You look stupid!"

Matibay ang shield na iyon halos limang taon na iyong hindi napapalitan dahil sa tibay nito. Nakita ni Abreena ang mga kaibigan niya doon malapit sa unahan kaya agad niya itong nilapitan.

"Akala namin nakain ka na ng kama eh." salubong sa kanya ni Jhenka.

"Haha. sorry naman."

"Upo ka na dito, mamaya magbubunutan na." Paalala sa kanya ni Hans.

Ilang sandali pa ay nagbunutan na para malaman kung sino ang mangunguna. Nauna ng natapos sila Hans at Jhenka na dagdagan ang kanilang Level ng dalawa dahilan upang tumaas sila. Ang dating level ni Jhenka na 10 ngayon ay naging 12 na. Si Hans naman na 9 ngayon ay 11 na. Natapos na din ang iba pa nilang mga kasamahan hanggang sa ....

"GOODLUCK LANDER! KAYA MO YAN! GALINGAN MO! WOOOOH!!" sigaw ni Abreena.

Tumingin sa kanya si Lander at sumigaw din. "Sige para sayo ito!" pakiramdam ni Abreena ay tumaas ang lahat ng dugo niya sa mukha doon lamang siya nakaramdam ng hiya.

Samantalang ...

 

@Dark Wizard Academia

"May nabalitaan po kami na may magaganap na pagsasanay doon sa Magical Temple Academy." pahayag nito sa mas nakakataas sa kanila.

"Hayaan niyo na muna na magpasarap sila. Konting tiis na lamang." napangiti ang lalaki.

'Malapit na. Malapit na 'siyang' dumating. Konting tiis na lang. Impostora mawawala ka rin!' sabi nito sa isip isip niya.

@Magical Temple  Academy

Natapos na si Lander sa kanyang ginawa at ang naging level na niya at 22 malaki ang nadagdag sa kanya. Nagkaroon ng konting warak ang sahig non. Dahil gawa ito sa lupa.

Ngayon naman ay si Fritz na ang susunod. Pumasok na ang binata sa loob. Nagsimula na siya ng adapat niyang gawin.

Una ay nag gawa lang ito na parang bolang apoy, kung titignang mabuti ay parang wala lang ito naglagay siya ng napakaraming bolang apoy sa kanyang paligid at maya maya lamang ay nagsabugan ang mga ito na parang atomic bomb.

Unti unting nagkakaroon ng mga crack ang salamin na nakapaligid doon.

Ang mga nanonood ay halatang kinakabahan na sa maaari mangyari dahil nga sa isa sa pinaka malakas si Fritz sa buong Magical Temple Academy. Maya maya pa ay nag gawa si Fritz ng isang malaking dragon.

"Wooooooh!" sigaw ng mga nanonood.

'Kyaaaaah! Ang galing niya talaga!'

'Oo nga nagkaroon ng crack yung salamin oh!'

Unti unti na ring nasisira ang mga lupang inaapak ng binata. Napangisi na lamang siya hanggang sa masira na ito ng tuluyan at tanginging gitna na lamang ang natira.

Ang kanya level noon na 23 ngayo'y naging 25 na. Lalo itong lumakas.

Ngayon ay ang pinaka huli ay si Abreena. Kinakabahan na siya hindi man lang niya namalayan na siya na pala ang susunod. Bumaba na siya upang pumunta doon sa Battle Ring. Kaya iyon tinawag na Battle Ring dahil minsan doon nagaganap ang labanan ng bawat isa. Oo nagkakaroon ng labanan bawat isa kada taon upang malaman kung hanggang saan ang kakayahan mo.

Nakasalubong niya si Fritz siya ay papasok ang binata naman ay palabas na.

***

To be continued...

SANA PO BASAHIN NIYO DIN PO ANG ISA KONG STORY NASA PROFILE KO :) 

"Don't Dare To Fall Inlove With Me"

Magical Temple Academy [Fantasy (OnGoing)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon