Magic 3: [The Power of 'AIR']

1.8K 39 4
                                    

***

"Aquarie!!" isang boses lalaki ang narinig ko.

"SUBUKAN MONG GUMAWA NG MOVE LANDER, ALAM MONG PWEDE SIYANG MAGIGING YELO SA LOOB!!!" A-ANOOOO? Y-YELOOOO? ito na ba ang katapusan ko!!? unti unti na kong nalalagutan ng hininga. hindi ko na kaya. hanggang dito na lang ba talaga ako? pinikit ko na ang mga mata ko. wala na .... hanggang dito na lang talaga ...

---

Magic 3: [The Power of 'AIR']

THIRD PERSON'S POV

Hindi malaman ni Lander kung ano ang kanyang gagawin dahil lingid sa kaalaman niya ay maaaring mapatay ni Aquarie ang dalagang iyon.

'kailangan ko ng makaisip ng paraan para tumigil si Aquarie' sa isip isip ni Lander.

si Aquarie ay isang dalaga na ang kanyang kakayahan ay Tubig. Masyado siyang nakatuon kay Fritz dahil sa angking kagwapuhan nito at kakisigan. Lahat ng mga babaeng nagtatangkang lumapit sa binata ay kaniyang pinagbabantaan. Na kung minsan ay humahantong ito sa pangyayaring nakakapatay na siya. Pero walang pakielam ang dalaga kahit makapatay siya ang tanging alam niya lang ay dapat siya ang mapansin ni Fritz.

Unti unting nakikita ni Lander ang pangsara ng mga mata ng dalaga. Nanganganib na ito. kailangan na niyang maalis ang dalaga sa tubig sapagkat kapag ito ay nagpatuloy pa maaari din itong mamatay.

walang ibang nagawa si Lander kundi gawin ang bagay na ayaw niyang gawin. Huminga muna siya ng malalim bago itinaas ang kamay upang paganahin ang kanyang kapangyarihan.

Sa isang iglap lamang ay gumalaw ang sahig at si Aquarie ay natumba kasabay ng pagbagsak ng dalaga sa malaming na semento.

"LANDEEEEER!!" sigaw sa kanya ni Aquarie.

"MAPAPATAY MO NA SIYA!!" sigaw ni Lander.

"WALA AKONG PAKI! KAILANGAN PA NIYANG PAGBAYARAN ANG PANGLALANDI NIYA KAY FRITZ!!" kitang kita sa mga mata ni Aquarie kung gaano niya gustong mapatay ang dalagang iyon. napailing na lang si Lander sa mga nangyayari. 'She's really crazy.' Sabi nito sa isip.

Pero laking gulat nila ng bigla na lamang tumayo ang dalagang kanina lang ay nasa malamig na semento.

Doon natuon ang atensyon nilang dalawa.

Pero hindi pala ito tumatayo kundi lumulutang. lumulutang ito sa hangin.

'wag mo sabihing Hangin ang Kapangyarihan niya?' sa isip isip ni Lander.

nakayuko pa ang dalaga at unti unti nitong inangat ang kaniyang mukha. Nakapikit ito. kumumpas ang kamay ng dalaga at sa isang iglap ay bigla na lamang tumalsik si Aquarie. Parang isang buhangin lang na tumalsik ang dalaga dahil sa hindi na agad ito nakita sa layo.

Nang lalaglag na sana sa malamig na semento ang si Abree ay biglang kumilos si Lander upang hindi ito malaglag agad. kinumpas niya ang kamay niya upang dahan dahan sumayad ang katawan nito sa semento. Agad niyang nilapitan si Abree. hindi siya nag dalawang isip na puntahan si Aquarie dahil alam niyang kakayanin pa non lumakad para saan pa at napunta siya sa SSS (Special Star Section) kung mahina naman siya.

Binuhat niya ito. hindi niya alam kung saan niya dadalhin ang dalaga. Habang naglalakad sila ay pinagmamasdan niya ang mukha ng dalaga. masyado itong inosente at ang ganda ganda niya. para siyang anghel sa langit.

'di ba siya yung transferee?'

'oo, pero bakit siya buhat buhat ni Prince Lander?'

Magical Temple Academy [Fantasy (OnGoing)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon