Chapter 31

11.5K 255 4
                                    

"Cassie, anak kailan ba kayo babalik ni Ezekiel dito?"

:Ricos' POV:

"Hindi ka pa rin ba nadala sa pasa na binigay ko sa ugly face mo?"

Boses ng babae ang narinig ko nang nakatayo na ako sa bukas na pinto ng unit ni Zach

Nag-iinuman kami kanina nang iwan ko sya saglit dahil tumawag yung uncle ko

Pagpasok ko ng unit nakita kong nakasalya sa sahig si Raine and standing in front of her is Yesha

And Yesha looks like she's ready to kill Raine

"Bitch! Why did you punch me!? Pwede na kitang kasuhan ng physical injuries!"

"Kasuhan mo your ugly face! I told you not to mess up with my bestfriend's lovelife right!? You disgusting bitch!"

Ano bang nangyari?

Bakit nagkakagulo sila?

Lumakad si Yesha towards my direction at hindi ako pinansin kaya pinigilan ko sya

"Yesha what's wrong?"

Tiningnan nya ako ng masama, "You're asking me what's wrong? I'll tell you what's wrong! Sinadya mo kaming papuntahin ng bestfriend ko dito sa unit ni Zach para makita namin at ipamukha mo sa bestfriend ko na ginagago lang sya ng bestfriend mo! You almost got me with your act Ricos, kunwari ka pang concern sa kanila but the truth is kakuntsaba ka ng babaeng yan para paghiwalayin sila!"



She slapped me, then she walked towards the door.

But she stopped, "I just hope that you fight fair Ricos. If you really like my bestfriend, you should've court her. Hindi yung sinadya nyo syang saktan ng ganito. Sayang, I'm starting to like you pa naman."



:Zacaree's POV:

Ano bang nangyayari?

Ang gulo

Dumating si Cassie but she yelled that she hates me

What did I do?

Parang sagot na din sa sarili kong tanong, pumasok sa kwarto si Ricos na hila sa braso si Raine

Lalong sumakit ang ulo ko nang makita ko ang hitsura ni Raine

Magulo ang buhok nya, nagkalat ang lipstick, at suot ang isang malaking tshirt ko

"Zach! What happened here? Umalis lang ako saglit para puntahan si Uncle tapos pagbalik ko ganito na ang dadatnan ko? Pati si Yesha galit sa'kin! Ikaw Raine! Hindi ka ba titigil ha!? Hindi ka na nahiya sa pinaggagawa mo! Masahol ka pa sa prostitute!"

Instant ParentsWhere stories live. Discover now