Chapter 9

17.5K 348 1
                                    

Good mornig world!!!

:Cassie's POV:



Oh well, ako na good vibes hahah :D

You're asking why??

Kasi po may date kami ni labidabs ko mamaya hahah :D

Wala na pala si Ezekiel sa tabi ko, nasa baba na siguro yun.

Nagshower na muna ako bago bumaba.

Pagbaba ko, nakita ko sa garden sila Zacaree at Ezekiel, nagdidilig ng mga halaman.

 "Hi mommy! Join us here oh!" ngiting ngiti na sabi ni Ezekiel sa'kin.

"Little boy bagong shower na si mommy oh. Daya, tayo madungis dahil naggagarden tapos si mommy bagong ligo." nakangiting sabi ni Zacaree.

"Opo nga noh? Ampeyr si mommy"



Nagpalabas nalang ako ng breakfast ko kay Ate Lyn, dito nalang ako sa garden kakain. Pinakuhaan ko na din ng juice yung dalawa na naglalaro ng tubig habang nagdidilig ng mga halaman.

"Kayong dalawa, baka magkasakit kayo ah. H'wag masyadong magbababad sa tubig!"

"Dont worry mommy. Mga --" nagbilang pa sa daliri nya si Ezekiel bago pinagpatuloy yung sagot nya "mga ganito palang kami dito" he said showing up his three fingers to me.

"So, ga'no katagal yan baby boy? 3 hours? 3 minutes? 3 seconds?"

I heard Zacaree chuckle, "Mga 30minutes palang naman kami dito. We're having a lot of fun, why dont you join us?"

"Maybe later. I'm still eating" palusot ko sa kanila.

After that, nagbulungan yung mag-ama ko. Hahah assumera much ko ba? Napansin kong tumingin sila sa'kin habang tumatawa.

Ano yan? May balak na naman sila sa kagandahan kong taglay.

Para makatakas sa kung anomang pinaplano nung dalawa, kinuha ko na yung pinagkainan ko at tumalikod sa kanila para dalhin na yun sa kitchen.

Pero pagtalikod ko, naramdaman ko nalang yung lakas ng pressure ng tubig na galing sa hose.

Kyaaaaaaaahhhh!!! Binasa nila ako >.<

Ibinaba ko ulit sa table yung hawak ko saka ako humarap sa kanila.

"Mommy is soaking hahah"

"Lagot tayo dyan little boy hahah"

Aba! Makatawa wagas ah. "Tawa lang kayo. Pag inabot ko kayo lagot kayo sa'kin. Kyaaahhhh!" sabi ko sa kanila saka ako tumakbo sa direksyon nila.

Instant ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon