Chapter 17

13.2K 295 8
                                    

A/N: I made a mistake on Raine's ex fiancee's name .. My bad and I'm sorry about that .. Pero inayos ko na po promise ^___^v Here's Chapter 17 .. Enjoy ^____^v

----------------------------------------------------------------------------

"Baby titingnan ko lang sa baba si daddy mo ha."

:Cassie's POV:

Gabi na kasi wala pa din si Zacaree, hindi ko alam kung sasabay ba syang magdinner sa'min o hindi.

Iniwan ko muna sa suite si Ezekiel, nanonood pa'rin ng cartoons.

Nakatayo na ako ngayon dito sa tapat ng elevator, waiting for it to open.

Pero sana pala naghintay nalang ako sa suite namin, hindi sana ako makakaramdam ng sobrang sakit ngayon.

Nabura ang ngiti ko sa labi nang bumukas na yung elevator at makita ko kung sino ang nasa loob.

It was Zacaree torridly kissing with his ex.

Buti nalang mabait pa'rin si Mr. FATE sa'kin. Bumukas yung kabilang elevator. At bago pa makapag react si Zacaree, sumakay na agad ako dun sa kabilang elevator.

Kasabay ng pagsara ng elevator ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.

:Zacaree's POV:

Agad kong tinulak si Raine palayo sa'kin, saka ako lumabas ng elevator para sundan si Cassie pero nakasakay na sya sa kabilang elevator.

Great! Just great!

I heard a soft chuckle sa likod ko. Paglingon ko, andoon si Raine with an evil smile on her lips.

"Uh-oh mukhang nakita tayo ng wife mo. My bad hahah."

Hindi ko nalang sya pinansin, pasalamat sya at babae sya kung hindi ewan ko nalang.

Dumiretso ako sa suite namin at naabutan kong nanonood ng cartoons si Ezekiel.

"Daddy pinuntahan ka po ni mommy ah. Hindi mo po ba sya nakita?"

"Hindi eh. Teka, titingnan ko lang kung nasaan mommy mo?

"Sige po."



Lumabas ulit ako ng suite namin para hanapin si Cassie.

:Cassie's POV:

Buti nalang at wala akong kasabay sa elevator.

Agad ko din pinahid yung luha na mata at pisngi ko.

Instant ParentsWhere stories live. Discover now