Chapter 28

10.7K 227 2
                                    

:Cassie's POV:

Pagdilat ng mata ko, nakita ko si Ezekiel na natutulog na sa tabi ko.

I touched his cheek and kissed him lightly on his forehead.

"Baby boy, gagawin ko lahat ng paraan para maampon kita, with or without Zach. Akala ko kasi totoo lahat ng pakita nya eh. I'll be strong enough for you."



Gumalaw sya, akala ko magigising na pero pumihit lang pala patalikod sa'kin.

Napangiti nalang ako.

Then I felt an arm hugged me from my back.

Dahan-dahan akong pumihit para tingnan kung sino ito.

I saw Zach sleeping.

Nakapagitna pala ako sa kanilang dalawa.

Tinitigan ko lang sya.

Kinakabisado bawat detalye ng mukha nya.

Yung mga mata nyang tila nangungusap.

Yung ilong nyang cute.

Makinis na pisngi.

At natural na mapupulang labi.

Umangat ang isang kamay ko, then I lightly touched his cheek.

I've made up my mind.

Little by little lalayo na ako sa kanya.

Hindi ko kayang maging pabigat sa kanya.

Masakit at mahirap para sa'kin pero kailangan.

Ayokong matali sya sa'kin para lang kay Ezekiel.

Na parang isinasakripisyo nya yung sarili nyang kalayaan para masunod ang gusto ko.

Lalo at hindi naman sya magiging masaya sa gagawin nya.

Bawat desisyon na nabubuo sa isip ko parang kutsilyo na humihiwa sa puso ko.

Napapikit nalang ako pero agad akong napadilat nang maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko.

"Boo masakit pa'rin ba?", tanong sa'kin ni Zach na nagising pala.

Tumango lang ako.

"Dont cry, please."

Instant ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon