Chapter 22

11.9K 292 4
                                    

"Boo galit ka ba?"

:Cassie's POV:

 Nauna na akong sumakay sa sasakyan ni Zach.

Sumunod din naman agad sya.

Pagkaupong pagkaupo nya, inabutan ko agad sya ng wipes.

"Wipe your lips."

Kinuha nya naman yung wipes na inabot ko at pinunasan ang labi nya.

"Boo...", sabi nya na humawak pa sa kamay ko.

"Uwi na tayo. I'm tired."

I heard him sigh as we sped away.

Hindi ako galit kay Zach.

Pero nasira talaga mood ko sa nangyari kanina.

I'm pissed with that bitch.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa bahay.

Pababa na ako ng sasakyan ng pigilan nya ako.

"Boo galit ka ba?"

Umiling lang ako bilang sagot.

"Why wont you talk to me?"

"Pagod lang ako."

"I love you boo. Mahal na mahal kita sweet cakes."

"I love you more. Hindi ako galit sa'yo, naiinis lang ako dun sa babae na yun. Mag gargle ka ng alcohol mamaya ah. Puro germs na lips mo.", sabi ko habang pinupunasan lips nya.

He chuckled and hugged me tight.

"Just dont mind her ok? I'm all yours boo."

Tumango nalang ako.

Sabay na kaming bumaba ng sasakyan.

Nakaakbay sa'kin si Zach habang naglalakad kami papasok sa bahay.

Pero nasurprise kami nang makita namin kung sino ang nasa sala ng mga oras na yun.

"Mommy?? Daddy?? Why are you guys here?"

Agad naman akong yumakap sa kanila. Syempre namiss ko sila eh.

"We came home as soon aw we knew that our plan worked. Di'ba Jae?"

Nagkatinginan naman kami ni Zach sa sinabi ni Mommy.

"What plan?"

Pinaupo muna nila kami sa sofa, nagpalabas ng meryenda kay Ate Lyn saka ipinaliwanag ang lahat sa'min.

Totoo daw na may business trip sila pero 3days lang talaga yun. Sinadya daw nilang sabihin na 1month at sinadya din nila na dito ako patirahin para magkadevelopan kami ni Zacaree. And as soon as they know that their plan worked, umuwi din sila agad dito para iconfirm.

"Where's Ezekiel's parents?"

Napatingin agad sila mommy kay Ezekiel na lumapit at yumakap sa'kin.

I'm waiting for their answer pero wala pa'rin.

 "Mommy where are his parents?"


Naramdaman kong humigpit ang yakap sa'kin ni Ezekiel.

Si daddy na ang sumagot sa tanong ko, "Cassie, baby ulila na si Ezekiel. His parents died in a car accident 2months ago. Actually, ang plano namin ni mommy mo is ampunin si Ezekiel. You want a baby brother right?"



Naramdaman kong umiiyak si Ezekiel. I hugged him back.

Tumingin ako kay Tito Jae, tumango lang sya sa'kin.

I looked at Zacaree, he held my hand. Parang sinasabi nyang ok lang ang lahat.

"Shh tahan na baby boy. Ako nang bahala sa'yo.", bulong ko kay Ezekiel.

Hinigpitan ko ang yakap ko kay Ezekiel.

"Mom dad h'wag nyo nang ampunin si Ezekiel."

Napatingin silang lahat sa'kin.

"Anak pag hindi namin sya inampon wala na syang makakasama."

"Boo ayaw mo bang maging kapatid si Ezekiel?"

Napangiti ako dahil sa reaksyon nila.

"Pataapusin nyo muna kasi ako, pwede? Ayokong ampunin nila mommy si Ezekiel, ayoko syang maging kapatid. Kasi anak ko sya. Kung aampunin nyo sya, mas mabuti pang ako nalang ang aampon sa kanya."

Napatingin silang lahat sa sinabi ko.

"Boo seryoso ko ba?"

"Oo seryoso ako. Napamahal na sa'kin si Ezekiel. Kaya having this chance to be his mother, pabor na pabor sa'kin."

"Is it possible po ba na kami nalang ang aampon kay Ezekiel?", napatingin ako kay Zacaree dahil sa tanong nya na 'to sa mga parents namin.

Nagkatinginan naman sila daddy bago sumagot.

"Kung yan talaga ang gusto nyo at desidido na kayo dyan. Aalamin namin lahat ng kailangan para maampon nyo si Ezekiel. Tutulungan namin kayo."

Ang saya naming lahat para sa araw na 'to ay nauwi sa pamamasyal at pagkain naming lahat sa labas.

"I'll make sure na magiging isang masayang pamilya tayo."

Sabi sa'min ni Zacaree habang nasa sasakyan nya kami.

Agad namang yumakap sa'min si Ezekiel.

"Thank you for loving me this much mommy and daddy."

Instant ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon