Chapter 18

13.9K 327 8
                                    

"Misis..."

:Zacaree's POV:

Naunang matapos na kumain si Cassie.

Dumiretso sya agad sa verandah.

Halos sabay lang naman kaming natapos ni Ezekiel.

"Little boy matutulog ka na ba?", tanong ko kay Ezekiel habang nagliligpit kami ng pinagkainan namin. Para hindi na mahirapan yung kukuha dito sa suite namin. Bait namin noh?

"Ayaw daddy. Mommy promised me that we will watch movie tonight. Nikalimutan nya po yata.", halatang nagtatampo si Ezekiel.

I kneeled down para magkapantay kami ng taas, "Hindi nakalimutan ni mommy yun. Mag-uusap lang kami sa verandah then manonood na tayo, okay? Watch ka muna ng cartoons while we're talking."

"Daddy niaway mo ba si mommy? Kasi she's sad tapos yung eyes nya red. Ganun kasi eyes ko pag nagcry ako eh."

"Hindi kami nag-away ni mommy mo. Sige na, wait mo kami ha. Pili ka na ng gusto mong movie."



Sumunod naman agad si Ezekiel sa sinabi ko.

Pinuntahan ko na si Cassie sa verandah, nakatalikod sya sa'kin. Pinapanood nya siguro yung mga tao na nagkakasaya sa ibaba.

Dahan-dahan ulit akong lumapit, saka yumakap sa kanya.

"Misis..."

Gaya kanina, hindi sya humarap sa'kin. Hinawakan nya lang yung braso kong nakaakap sa kanya.

"Zach..."

"Zach? Mister dapat di'ba?", I rest my chin on her shoulder.

I felt her chuckle, a soft one. "Adik..."

"Sa'yo Cassie..."



After nun, walang nagsalita sa'min. We stayed that way for a few minutes. Until she broke that silence.

"Seems to me na okay na kayo ni R-Raine."

I hugged her tight.

"Cassie please listen to me."

"I'm all ears."

"Mula nung iwan nya ako para ipagpalit sa iba, kinalimutan ko na sya. Please believe me when I say that I dont love her anymore. Kanina, after naming magsnack ni Ezekiel bumaba ulit ako to buy something for you. Kasi gusto ko maging memorable ang gabi na 'to para sa'ting tatlo. Nakasalubong ko sya sa may lobby and she asked kung pwede ba kaming mag-usap. I refused nung una, pero pumayag din ako. She said she was sorry for leaving me. Sabi pa nya narealize nyang ako talaga ang mahal nya, but that's bullshit for me. So, I told her na wala na akong pakialam sa kanya and that is because I am perfectly happy with my wife and my son."

"You dont have to explain it all to me Zach."

"But I want to. Please listen Cassie. Pagkatapos kong sabihin sa kanya na masaya na ako sa inyo, iniwan ko na sya dun. Nagpunta ako dun sa souvenir shop saka sa resto then sumakay na ko sa elevator para bumalik dito sa suite natin. Pero nakasabay ko sya sa elevator. Hindi ko sya pinansin, tahimik lang ako hanggang sa bigla nya nalang akong halikan. Yun yung nakita mo kanina. But I wished that you stayed for awhile, para nakita mo kung pa'no ko syang tinulak. Sinubukan kong habulin ka pero nakasakay ka na sa elevator."

Instant ParentsWhere stories live. Discover now