OS #11

19K 652 89
                                    

XI.
Bading Ka Ba Talaga?

NAPABUNTONG-hininga na lang ako habang nakikita 'yong ginagawa niya.

"Kanina may nakita kong mukhang koreano sa may second floor. Kaso 'di ko na nilapitan kasi baka hindi lumingon sa pinanggalingan." Kwento niya habang nagpupunas ng wipes sa mukha niya.

Napakunot-noo 'ko. "Anong connect?"

"Ang lalaking hindi lumingon sa pinanggalingan, malamang, natulala sa aking kagandahan." Sabay flip niya ng imaginary long hair niya bago tumawa na parang kiti-kiti.

Nagtataka nga 'ko kung bakit 'di nagpapahaba ng buhok 'to. Diba madalas ang mga bading nagpapahaba ng buhok para mas feel nilang maging babae?

"At saka alam mo ba, ang pogi no'ng lalaki kanina sa may bookstore. Kasama kasi kita kaya 'di ko nalapitan." Maarteng sabi niya habang naglalagay ng foundation sa mukha niya.

"Nilapitan mo sana, nahiya ka pa sa'king bakla ka." Naiinis na sabi ko habang nakahalukipkip. "Huwag ka na ngang maglipstick! Hindi mo ikagaganda 'yan!" Sigaw ko nang makitang may inilalabas siyang lipstick mula sa bag niya. Mahina ko muna siyang sinabunutan bago naglakad 'ko palabas ng washroom.

Nandito kami sa mall. Katatapos lang kasi ng mga exams kaya nag chill muna kami.

"Hoy, Aya! Ano ba! 'Wag ka ngang mang iwan!" Rinig kong sigaw niya pero hindi ako tumigil.

Buti nga hindi siya tulad ng ibang bading na lantaran talaga. Oo, nagfa-foundation siya. Pero hindi siya nagsusuot no'ng mga damit na kinulang sa tela. Porma niya lagi panglalaki.

"LQ sila?"

"Ang pogi no'ng lalaki!"

"Pero ba't sobrang puti ng face niya?"

"Baka nagfoundation!"

"Ay, bading?! Sayang!"

"Duh, that's normal. Nagf-foundation din kaya ang mga artista!"

Sa mga artista, normal. Sakaniya, hindi. Mga letse!

"Oh, Aya. Nice to see you here. Ba't ka nandito?" Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Gian.

Ngumiti ako ng alanganin. "Ah, Gian. Nag-chill lang kasi tapos na mga exams." Naiilang na sagot ko.

Don't get me wrong, I don't like this guy. Siya kasi 'yong usap-usapang may gusto sa'kin. Pero hindi niya pa sinasabi sa'kin directly. Hindi lang naman siya 'yong may gusto sa'kin sa school, sadyang sakaniya lang talaga 'yong kalat.

Ngumiti siya. "Same. Sinong kasama mo?"

"Ako." Napairap ako nang marinig ang isang manly na boses mula sa likuran ko.

Oo, bading siya. Pero manly 'yong boses niya. Unique gayshit.

"Oh, Iah." Bati ni Gian sakaniya.

Tinanguan lang siya nito at bumaling sa'kin. "Bakit ka nang-iiwan?" Seryosong tanong niya.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Bakit? Ano pa bang kailangan mo?" Ayaw mo no'n, mapupuntahan mo 'yong poging lalaki sa bookstore?

"Tatlo na lang naman ang kailangan ko." Naiinis na sabi niya.

Napakunot-noo ko. "Ano? Halos libutin na natin ang mall, may kulang ka pa?"

"I need you to stay beside me, support me, and don't talk to assholes." Sabay tingin niya ng matalim kay Gian.

"S-Sige, Aya. Mauuna muna 'ko. Inaantay na kasi ako ng mga kasama ko. Bye." At nagmamadali siyang umalis.

Anong nangyari ro'n?

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon