OS #6

21K 616 30
                                    

VII.
Jail Booth

FAMILY day namin ngayon. Kasama ko mga kaibigan ko. Pare-parehas kaming walang kasamang pamilya. Kami-kami lang talaga. Family day pero walang family.

"Sa'n ba tayo?" Nagtatakang tanong no'ng isa kong kaibigan.

"Oo nga. Kanina pa tayo lakad nang lakad dito." Nakangusong sabi no'ng isa.

"Tambay na lang tayo ro'n sa malapit sa cafeteria. Malamig do'n kasi may puno." Nakangiting sagot no'ng pinakamatanda sa'min.

Sumang-ayon na lang kami ro'n sa suhestiyon niya at umupo ro'n sa malapit sa cafeteria.

"Yo, guys!" Napatingin naman kaming lahat do'n sa sumigaw.

"Hello." Bati namin sakanila.

Si Kent, kasama 'yong mga kaibigan niya.

"Sa'n kayo unang pupunta?" Tanong no'ng isa sa kaibigan kong isa.

Nagkibit-balikat 'yong kaibigan ko. "Ewan ko sa mga 'yan."

"Handcuff booth tayo?" Nakangiting tanong no'ng isang kaibigan ni Kent na nakatingin lang sa kaibigan ko.

"Kayo bahala." Tumatango-tangong sagot no'ng kaibigan ko.

"Sige, sige. Handcuff na lang!" Nakangiting sang-ayon no'ng isa nila.

"Gustong gusto makahawak ako?" Nakataas-kilay na tanong no'ng kaibigan ko.

Nagreact 'yong isa sa tabi ko. "Aba. Kumakapal na mukha mo." Natatawang sabi nito.

Napailing na lang kaming lahat.

Habang papunta kami sa Handcuff booth, biglang may lumitaw na tatlong officer ng Math Club sa harap namin.

"Sinong maganda't pogi dito?" Tanong niya.

Sinong nagtaas ng kamay?

Lahat kami.

Bigla nila kaming hinawakan sa kamay. "Jail booth."

Napalingon kami nang may umubo sa may mic sa stage. "Jail booth announcement. We're arresting students who consider themselves good-looking. I repeat, students who consider themselves good-looking."

"Ay, shit!" Kanya-kanya kaming pumiglas at umaktong sisipain 'yong manghuhuli.

Jail booth pala!

At dahil maliit ako, hindi ako nakawala. Ang nakawala lang sa'min, dalawa.

Kingina.

"Hoy, pyansahan niyo kami!" Sigaw ko ro'n sa dalawa.

Dinilaan lang nila kami. Aba't mga walanghiya!

"Bitaw, bitaw, bitaw, bitaw!" Sigaw no'ng isa kong kaibigan.

Baliw 'to. Parang kaya naman niya 'tong mga officers na 'to. Ang tatangkad na nga, puro lalaki pa.

Tuluyan na nila kaming nakulong rito sa kulungan-kuno nila.

"'Yan kasi! Tataaas-taas pa kayo ng kamay!" Nakangusong sisi no'ng isa kong kaibigan.

"Parang hindi ka nagtaas. Ikaw pa nga pinaka-una." Natatawang sabi no'ng isa sakaniya.

At dahil alam naming hindi kami makakalabas dito, kung ano-ano na lang ginawa namin. Sila, nagsulat sulat sa pader gamit 'yong chalk. Makakulungan talaga, 'no? Tapos kami ni Kent, nakaupo lang. Mabait kasi kami.

Pero binabawi ko nang mabait ako, makulit kaya ako.

Pumunta kami no'ng kaibigan kong isa ro'n sa pintuan kasi walang bantay.

Tumingin siya sa'kin. "Pag bilang ko ng tatlo, itulak natin?" Tumango ako. "Tatlo!" Pagtulak namin, tumakbo kami palabas—

"Huli ka!" May mga officers pala sa labas!

Pakshet naman.

Bagsak-balikat kaming bumalik ng kaibigan ko sa loob.

"Tatakas pa kayo." Nangangasar na sabi no'ng kaibigan ni Kent.

Kinaltukan naman siya no'ng kaibigan ko, 'yan buti nga.

At dahil pagod na 'ko, umupo na 'ko ro'n sa malapit sa kinauupuan ni Kent.

Oo na, crush ko na siya. Palag?

Nababagaot ako kaya naisipan kong pagtrip-an siya.

"Hoy, Kent. May nagugustuhan ka na 'no?" Tanong ko.

"Wala." Nakapikit na sagot nito habang nakasandal sa upuan.

"Hinahangaan?"

"Wala."

"Nililigawan?"

"Wala."

"'Di nga?"

Dumilat siya at umayos ng upo sabay tumingin ng diretso sa'kin. "Kapag handa na 'ko, aaminin kong gusto kita. Kapag handa na 'ko, sasabihin kong hinahangaan kita. At kapag tamang oras na, liligawan na kita. O, okay na ba?"

Nakaawang ang bibig ko siyang tiningnan pero bumalik siya sa pag-halukipkip at umidlip.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon