OS #20

13.9K 397 33
                                    

XX. April Fall's Day

Nakangisi ako ngayon habang nagta-type.

Fr: Angella
Kung i-chat ko kaya 'yong boyfriend ni Almy na nabuntis si Almy sa iba? Then, kukuha 'ko ng pregnancy test sa Google. Ipo-photoshop ko na hawak niya 'yong PT tapos ipapakita kong sobrang saya niya dahil do'n? *laughing emoji*

Tawa 'ko nang tawa habang tina-type 'yon at pinindot ang Send.

Fr: Jana
Gago 'to. Nananahimik 'yong dalawang magboyfriend-girlfriend na 'yon ta's manggugulo ka! *glaring emoji*

Napahagalpak ako lalo nang dahil sa sinabi niya.

Fr: Angella
It's just a trip, Janna! Stop being so serious, will you?

Fr: Janna
Grabe ka mag-effort, ano? Kung ikaw kaya ang pagtrip-an namin bukas?

Napamake-face na lang ako.

Fr: Angella
Oh, ano nga? I won't waste the day na legal mangtrip, 'no!

Lumabas ang Seen at nakita kong nagta-type na siya. Humalumbaba muna 'ko sa unan kong nakapatong sa may hita ko habang hinihintay 'yon at nagscroll sa Timeline ko.

Nag-iisip kasi kami ng pwedeng gawing trip para bukas. A hularious one, ofcourse! At kanina pa 'ko suggest nang sugest, wala pa siyang nagustuhan!

Fr: Janna
Kung ipagsigawan mo kaya sa tapat ng room na crush mo si Nico?

Mabilis na napakunot 'yong noo ko at hinintay na pumasok sa isip ko 'yong sinabi niya.

"Are you freaking serious?!" Sigaw ko sa screen ng phone ko na para namang maririnig niya.

"Angella! Magha-hatinggabi na! Bakit gising ka pa?! Tapos sumisigaw ka pa!"

Na siya namang narinig ni Mommy.

Paktay ka, hija!

"Sorry, Mom! I didn't shout on purpose! Nagising po 'ko from a dream! I'm sorry!" Pagpapalusot ko na sigurado 'kong tatalab.

Nakita ko 'yong anino niyang lumapit sa pintuan ng kwarto ko, "Are you alright? Is it a nightmare?" Malumanay nang tanong niya.

"I'm alright, Mom. Matutulog na po ako. Sorry ulit!"

"Okay, sleep well. Pray ka kasi para hindi ka magka-nightmares."

"Copy, Mom!"

Nakita kong lumayo na sa pinto 'yong anino niya at narinig kong bumukas 'yong pinto ng kwarto niya.

Fr: Janna
Tingnan mo 'to, tapos biglang seen? Gano'n?

Nanggigigil akong nagtype nang maalala 'yong suggestion niya.

Fr: Angella
Are you out of your mind?! Bakit ko gagawin 'yon?! 'Wag mo 'kong idamay sa kalokohan mo, Janna! *mad emoji*

Fr: Janna
See? Nagalit ka, diba? But, I'm serious when I've suggested that. They'll think na it's just a joke because it's April Fools! Tsaka, never ka pa namang na-link sakaniya so it won't be suspicious.

Akmang magre-reply ako sakaniya nang may nagpop-out na new message. Kaagad kong binuksan 'yon. Galing siya kay Almy.

Fr: Almy
Damn you, Angella! Tinrato kitang para kong kapatid tapos ito lang ang ibabawi mo sa'kin?! Anak ng pvcha naman! At sa iba ko pa talaga nalaman? Ganiyan ka kaduwag para hindi mo masabi sa'kin 'yon nang harapan?!

Napaayos ako ng upo at inalis 'yong unan sa hita ko.

Nalaman ba niya 'yong trip ko dapat sakaniya? Sinabi sakaniya ni Janna? Lintek talaga 'yong babaeng 'yon! Hinanapan pa 'ko ng away?

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon