OS #15

15.3K 464 57
                                    

XV.
Voice Message

"AND we found love right where we are..."

Napabuntong-hininga 'ko matapos pakinggan 'yong bagong kanta niya.

To: Gummy Milo
Wala ka ba talagang balak magpakilala?
Sent: 8:03pm.
Seen: 8:04pm.

Ganiyan naman lagi. Seen. Walang sagot kahit tuldok. Basta nagse-send lang siya ng voice message na may lamang kanta, every night at exactly 8pm.

Kapag may tinanong ako, hindi niya sinasagot. Tapos bukas, may panibagong voice message ulit. Then another me, asking him to reveal himself. Then another him, not answering me.

I know it's impossible to fall in love with a voice. Lalo na kung boses lang talaga. Walang alam sa ugali o sa mukha. But they always say that when it comes to love, everything is possible.

He's using a dummy account. His name's Gummy Milo, and maybe that's also because I love gummy bears. I don't know about the Milo. Wala naman akong malamang iba kasi ako lang friend niya sa facebook na gamit niya.

Profile niya? Mukha ko. Walang kahit anong post. Ang tanging makikita mo lang sa wall niya is kung kelan siya nag join. Tapos lagi lang siyang nagla-like ng mga status ko. Like lang, walang comment.

Ang tanging clue ko lang? Boses niya.

* * *

NAPATIGIL ako sa pagbabasa ng libro nang may pumitik malapit sa mukha ko. Kaagad ko namang tiningala 'yong madaldal kong kaibigan na hindi matiis na hindi magsalita kahit isang minuto lang.

Tinanggal ko 'yong headset ko at kunot-noong tiningnan siya. "Ano nanaman, Cynthia?"

"My God. It's not Cynthia. It's Thea. That name is so — ugh. Just don't." Maarteng sabi niya.

Napataas ako ng kilay. "Cynthia is your name, so why should I use that Thea name of yours?" Pagdidiin ko pa sa Thea niya.

"Cynthia is so makaluma kaya. Like, oh my ghad. It's so nakaka-yuck."

"Utang na loob, Cynthia. Tantanan mo 'ko sa ka-conyohan mo, ha. Masakit sa ulo." Naiinis na sabi ko at akmang ibabalik 'yong headset ko nang pigilan niya 'ko. "Ano nanaman ba?"

Tinaasan niya 'ko ng kilay. "Ano? Ii-ignore mo ang kagandahan ko para sa boses ng isang lalaking hindi mo naman kilala at kahit kelan yata, walang balak mag-introduce ng self niya?"

"Mas gugustuhin kong pakinggan 'yong kanta niya kaysa boses mong pang palingkera. Layas!" Iritang singhal ko sakaniya at tuluyan nang sinuot 'yong headset ko.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na padabog siya umupo sa tabi ko at naglabas na rin ng libro niya para magbasa.

It's our free time, at required kaming magdala ng mga libro na may katuturan para kung may ganito nga, hindi kami masyadong maingay.

"Becase tonight will be the night that I will fall for you..."

Kinalabit ako ni Cythia, tinanggal ko 'yong headset ko at nakita 'yong Mayor ng class namin na nasa harapan.

"Guys, kailangan natin ng representative for the Battle of the Bands! Nagagalit si ma'am, tayo lang daw walang representative. Ano ba naman 'yan daw." Natatawang sabi niya.

Napailing na lang ako, wala kasi kaming pakialam sa mga ganiyan. Focus kami sa academic. Kahit sino sa'min, walang sinasalihan na extra-curriculars. That's why our section is unique.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon