OS #13

17.9K 565 57
                                    

XII.
Bakod
( Pitik - pt. 2)

HINIHINTAY ko siya ngayon. Katulad ng dati.

Katulad nga ba ng dati?

Napabuntong-hininga 'ko at sumandal sa railings, habang nakatingin sa sahig.

Hindi kagaya ng dati, naghihintay ako ngayon sa tapat na ng room niya. Hindi kagaya ng dati, hindi na siya nadi-distract sa'kin.

Dapat ba kong matuwa ro'n o hindi?

"Class dismissed." Rinig kong sabi ng teacher nila at lumabas na. Nginitian ko s'ya bilang paggalang at binigyan niya 'ko ng makahulugang-tingin.

Kahit kasi sa mga teachers, alam nilang kami. Noon.

Nagsilabasan na 'yong iba, pero siya hindi pa. Tiningnan ko 'yong board at wala namang nakasulat do'n kaya wala siyang kokopyahin. Hindi rin naman siya 'yong naka-duty ngayon.

May lumabas na isang kaklase niya na kaagad ko namang nilapitan. "Bakit hindi pa lumalabas si Myla?"

"Siya na lang daw magduty in my place." Kibit-balikat na sagot nito at tuluyan ng umalis.

Binalik ko 'yong tingin ko sa loob ng room at nakita ko siyang blankong ekspresyong nakatingin sa'kin. Kaagad naman akong ngumiti pero napawi 'yon nang hindi niya 'ko pinansin.

Mukhang hindi ko rin siya makakausap ngayon. Ayaw niya pa rin. Ayoko siyang madaliin kasi baka magalit siya lalo.

"Hi, Adrian! Ba't 'di ka pa nauwi?" Paalis na sana 'ko nang may tumawag sa'kin.

Si Arlyn. Ang alam ko, may gusto siya sa'kin. Pero hindi naman ako naniniwala dahil hindi 'yon galing mismo sakaniya.

Sasagutin ko sanang hinihintay ko 'yong taong lagi kong hinihintay, kaso naisip kong baka magalit si Myla. Alam ng iba na break na kami, kaya ayaw niyang ma-issue panigurado.

"Nagpapatay lang ng oras. Ayoko pa kasi umuwi." Sagot ko na lang.

"Gusto mo, sabay na tayo?" Masayang aya nito.

Sa ekspresyon niya, ang hirap niyang tanggihan. At mukhang hindi rin lalabas si Myla ng room niya hanggang 'di pa ko umaalis.

Ngumiti ako ng tipid at tumango. "Sige."

Mas lumawak 'yong ngiti niya at napa-palakpak pa ng isa. "Mauna ka na sa gate, may kakausapin lang ako sa loob. Mabilis lang, promise." Tukoy nito sa room nila Myla.

Tumango naman ako at sumulyap ulit sa loob. Naglilinis pa rin si Myla na parang walang naririnig.

Napabuntong-hininga na lang ako at naglakad na paalis. Huminto ako sa may gate at sumandal sa may pader.

Pa'no ko ba siya susuyuin? Wala 'kong alam sa ganito. Pa'no kung 'di na niya talaga 'ko mahal tapos pinagpipilitan ko pa sarili ko? Pero hindi niya naman sinasabing tumigil ako.

Oo, sa mga kilos niya parang sinasabi niya na rin 'yon. Pero katulad nga ng kay Arlyn, hindi ko 'yon paniniwalaan hangga't hindi mismo si Myla ang may sabi.

Tumayo na ko ng maayos dahil paparating na si Arlyn. "Tara na?" Malumanay na tanong ko.

Hindi siya makatingin ng diretso na siyang ipinagtaka ko. "Uh, ano... Mauna ka na pala." Nakakagat-labing pahayag niya.

Napakunot-noo ko. "Bakit?"

"K-Kasi..." Napatigil siya at nag-isip. "May gagawin pa 'ko? I mean, oo. May gagawin pa kasi ako. So, m-mauna ka na. Pasensiya na sa abala." At kaagad siyang umalis sa harap ko.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon