Entry 7: Tatlong Araw

220 5 6
                                    

Admins' Note: This entry was submitted last August 15 but unfortunately, it was not sent to our inbox and was sent to our spam folder instead. Kaya po, ihahabol ko ang entry na ito. My fault :( -- admin sim

GENRE: Romance and Teen Fiction

Napayuko ako sa sakit dahil sa isang malakas na sipa sa aking sikmura habang kaagad na napahawak ang aking kaliwang kamay sa kung saan dumapo ang kanyang kanang paa. Wala naman akong maalala na ginawang katarantaduhan ngayon umaga, maliban lang sa pag-aya ko kina Rue at Yosef na uminom ng alak, na kaagad naman nilang tinanggihan.

"Hoy Miss! Anong problema mo?" singhal ko sa kanya sa kalagitnaan ng Pedestrian Lane habang siya'y nakahandang sumugod na naman sa akin. Nabib'wisit ako. Badtrip na ako ngayong umaga kaya h'wag niya sanang dagdagan pa. Kainis naman oh!

"Hindi kita kilala, Miss.Tabi."

Pinilit kong maging mahinahon pa rin ang boses ko. Binalak ko din siyang daanan na lang at bungguin pa ang kaliwa niyang braso sa sobrang inis at mukha pa namang wala sa katinuan ang babaeng nasa harapan ko ngayon, samantalang direkta namang nakatingin ang aking mga mata sa isang restaurant na hindi naman kalayuan sa aming dalawa. Kanina pa talaga kumulo ang tiyan ko sa sobrang gutom at wala ako sa mood para sa isang babaeng sanggano.

"Saan ka pupunta?" Hinila niya ang itim kong t-shirt mula sa likuran at hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari, basta nakita ko na lang ang sarili kong nakahiga sa semento.

Syet!

"Ang sabi ko, kakausapin muna kita!" bulyaw na naman niya habang wala man lang pakialam sa ginawa niyang pagpapahiya sa 'kin.

Nagtinginan na ang mga tsismosa at tsismoso sa tabi ng daanan. Sino ba naman ang hindi maaaliw sa ginawa niyang 'to? Nagmukha akong punching bag sa isang babaeng kanina pa nagsalubong ang kilay sa harapan ko?

"Ano ba ang problema mo?"

Kaagad akong tumayo at pinipilit na habaan pa ang kaunting pasensiya na mayroon ako dahil unang-una, hindi ako pumapatol sa isang babae at lalong-lalo na kung ganito kaganda. Nakakainis na talaga!

Badtrip na nga ako, nagawa ko pang hangaan siya!

"Tumayo ka!" sigaw na naman niya, kahit na hindi naman talaga nakakatakot ang boses niyang masyadong malumanay pakinggan.

Talagang tumayo ako at mabilis na hinablot ang kanyang kanang kamay at hinatak siya papalayo sa kalagitnaan ng daan bago pa man nagsimulang mag-andaran ang mga sasakyan na nasa stoplight.

Napahinto kami sa may gilid habang hindi ko namanmapigilang hindi titigan ang kanyang mga mata. Punong-puno ng galit at inis ang mga ito na katuon pa rin sa akin. Kahit anong isip ko ay hindi ko talaga siya matandaan. Impossible na hindi ko matandaan ang isang 'to.

Mabilis ko siyang binitiwan, kasing bilis ng pagtapak ng isang hakbang papalayo sa kanyang gawi, "Hoy babae! Kung may galit ka sa mundo, h'wag ako ang pagbuntunan mo! Ang sabi ko, hindi kita kilala kaya umalis ka na sa harapan ko. Ang dami mo ng atraso sa akin sa loob lang ng limang minuto. Hindi porket babae ka ay may karapatan ka ng manipa at mang-harassed ng lalaki sa daan."

Tinalikuran ko siya at umasang papawi din ang init ng ulo ko kapag matitikman ko na ang paborito kong tsokolate. Ngunit, isa pang hakbang papalayo mula sa kanya ang nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.

"Ganyan ba talaga ang isang womanizer na kagaya mo?" Napahinto ako sa sinabi niya habang nakatalikod pa rin, "Ganyan ka ba talaga umasta, ha?! Kung nakipagflirt ba ako sa 'yo kanina, papansinin mo din ba ako at hindi lalayuan kagaya ng mga ginawa mo sa mga babaeng iniwan mo lang na luhaan?"

WP New Stories' One-Shot Story ContestTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang