Entry 6: What Makes a Man

226 8 6
                                    

GENRE: Romance and Teen Fiction

***

"What took you so long? Ayusin mo muna 'yang sarili mo at may importante akong sasabihin sa'yo." 'Yan ang bungad sa akin ng boyfriend kong si Dave.

Wow. Just wow!

Kakarating ko lang at medyo hinihingal pa nga ako pero hindi man lang niya ako binati o kahit nginitian man lang. Imagine, two buildings away 'tong tagpuan namin at tinakbo ko 'yon para lang makarating on time.

Kumusta naman kaya 'yon?

Pero ayos lang 'to. Kasalanan ko naman eh. Kung bakit kasi nakalimutan kong may usapan pala kami ngayon.

"May panyo ka ba diyan babe?" nakangiting tanong ko sa kanya. Tagaktak na 'yong pawis ko at sobrang lagkit na talaga ng pakiramdam ko.

Hindi niya ako kinibo.

Okay. Wala siyang panyo. Dineadma niya lang ang beauty ko eh.

So, kinuha ko nalang 'yong sarili kong panyo mula sa backpack ko. Naglalambing lang naman ako kanina kaya tinanong ko kung may panyo ba siya o wala.

Pero sadyang wala yatang ka-sweetan sa katawan ang boyfriend kong 'to eh.

I heaved out a sigh.

Tago na nga lang 'tong relationship naming dalawa hindi pa niya ako mapagbigyan kahit ngayon lang.

"Let's end this, Klin." Napatigil ako sa pagpupunas ng mukha ko nang bigla siyang nagsalita.

"W-What?"

"You heard me right. I'm sorry but this relationship will not work out."

"P-Pero bakit? 'Di ba mahal mo 'ko?"

Hindi ako makapaniwala na nakikipaghiwalay na siya sa akin ngayon. Kung dahil lang sa na-late ako kanina kaya niya 'to ginagawa, aba hindi ako papayag!

Ang OA lang ng dahilan eh.

I don't want to waste the six months that we've shared together for a lame reason.

"I'm sorry, Klin." Napapabuntong-hininga niyang sabi, "It's not you, it's me."

Wala sa sariling naihilamos ko 'yong kamay ko sa mukha ko, "Walangyer Dave! Don't use that line to me!" mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya, "Maaayos pa naman natin 'to 'di ba? Huwag mo namang gawin sa akin 'to please..."

"Intindihin mo naman ako, Klin." Tiningnan niya ako ng deretso sa mga mata, "May mga pangangailangan ako bilang lalake at alam natin na hindi mo 'yon kayang ibigay sa akin. Minahal kita, pero sadyang hindi lang talaga tayo ang para sa isa't-isa. Sorry..."

That's it.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Para akong nagising mula sa isang mahimbing na pagkakatulog.

Sobrang sakit...

Sa sinabi niya, alam kong talo na ako kahit na tangkain ko pang lumaban. Wala sa akin 'yong hinahanap niya. At kahit kailan, hinding-hindi ko maibibigay sa kanya 'yong hinihingi niya.

Kahit gustong-gusto ng lumabas ng mga luha ko, pinilit ko paring tingnan siya ng deretso sa mata, "Minahal mo 'ko? Talaga lang huh?" napapailing kong tanong sa kanya, "Ganito lang ako pero hindi ako tanga Dave. Makikipaghiwaly ka? Gora! Hindi kita pipigilan."

I am not perfect, I know that. I have many flaws and imperfections but despite all this, I still know how to value my dignity and morality as a human being.

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon