Pair 4: Romance + Fantasy (Into Your World)

312 5 11
                                    

Story 2: Into Your World

Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang lahat para sa’kin.

Ang tanging natatandaan ko lang, ito na ang naging tadhana ko magmula noong una akong nagkamulat sa mundong ito.

Into your world,

Taken by the soft wind

 

Anghel- ito ang madalas na tawag ng mga mortal sa’min.

Sa aking nalalaman, ginawa ng Diyos ang mga tulad namin upang maging gabay ng mga tao; maging tagapagtanggol nila laban sa kasamaan at upang maging instrumento para mas mapalapit sila sa’ting Panginoon.

Ngunit, naiiba ako sa lahat ng mga anghel.

Dahil,ang mga tulad ko ay ginawa ng Diyos upang bawiin ang hiram nilang buhay.

Araw-araw, wala na akong ibang ginagawa kundi panoorin ang mga pangyayari sa buhay ng mga tao; siguruhing umabot sila sa itinakdang oras ng kanilang kamatayan at tulungang matanggap nila ang sinapit nila upang makatawid sila ng matiwasay sa kabilang dimensyon.

Bilang Tagasundo, ito ang mga kailangan kong gampanan.

Iilan lang ang mga tulad namin dito sa mundong ibabaw. Ang mga tulad kasi namin ay napapabilang sa pinakamababang pangkat ng mga Anghel. Ang nasa pinakaitaas ay ang mga Arkanghel. Sumunod naman ang mga Kerubim.Pangatlo, ay ang mga Tagagabay o Guardian Angels at pagkatapos ay kaming mga Tagasundo.

Kung iisipin, mas madali lang ang trabaho ng mga tulad ko kung ikukumpara sa mga ibang Anghel dahil para sa mga Tagasundo, kamatayan lang ang nag-uugnay sa’min sa mga tao.

"Nababasa ko ang isip mo. Ganyan pala ang tingin mo sa'min?" saad ni Haniel sa’kin na isang Tagagabay.

"Bakit? Hindi ba?" pabirong tanong ko naman.

"Hindi ko alam." Kibit-balikat niyang sagot. Tinapik niya ako at itinuro ang himpapawid. "Alis muna ako, kaibigan. Tinatawag na naman ako sa taas."

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon