Entry 29: The Barrier

348 3 4
                                    

Nainlove ako sa isang di pangkaraniwang babaeng. Babaeng may allergy sa mga tulad kong mayaman. Kung ituring niya kami para kaming may nakakahawang sakit.

Pero hindi ako nag papigil dun. Niligawan ko siya ng niligawan. Lahat ng mga bulaklak na ibinibigay ko sa kanya, sinusunog niya mismo sa harap ko. Lahat ng chocolates tinatapon niya sa basura. Hindi ko alam kung bakit siya ganun.

“Zhianne naman, pansinin mo ako!Bakit k aba ganyan?! Bakit ba kung tingnan mo’ko para akong nakakadiring insekto?”

“Mali ka.Ako yung nakakadiring insekto sa’ting dalawa.”

“Alam mo. Di kita gets! Ano bang ibig mong sabihin?”

“Ano bas a mga salitang ayaw ko sa’yo ang di mo maintindihan?!”

“Yun nga e! Bakit ba yaw mo sa’kin!”  Di ko mapigilang itanong sa kanya.

Kasi sa totoo lang, ako si Zeus Concepcion. Typical guy.Matalino, mabait, at mayaman. Lahat ng tao dito sa school, may gusto sa’kin. At itong Zhianne Torres lang na’to ang namumukod tanging hindi. Ewan ko ba kung bakit!

Huminga siya ng malalim bago sumagot.

“Kasi mayaman ka, at mahirap lang ako.”  Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Yun na yun? Yun lang yun? Kaya kung ituring mo’ko para akong isang Untouchable?”

“OO! Yun na yun! Yun lang yun! Hindi mo pa bar in gets? May barrier tayo! Hindi ako bagay sa’yo! Wala akong lugar sa mundo mo!At hindi mo ba alam na kaya ako nakapasok sa school na’to ay dahil sa anak ako sa labas ng dean? Gulat ka? Alam ko. Nakakasuka ako. So stay away from me!”

Hinawakan ko yung kamay niya dahil nag lalakad na ulit siya papalayo sa’kin.

“Pano kung hindi ako si Zeus? Pano kung hindi ako mayaman? May pag-asa ba na mahalin mo rin ako?”  Hindi siya kumibo, hindi niya ako sinagot.

Sabi nila, silence means yes. Pero bakit parang hindi ata applicable ang kasabihan na yan ngayon?

“Sige. Wag mo na akong sagutin. Naiintindihan ko na. Pasensya ka na sa abala a. Nag mahal lang naman kasi ako. At mag mamahal na nga lang ako, dun pa sa tayong hindi ako gusto. Sige, umalis kana.Last na’to.Kahit kelan, hinding-hindi na kita guguluhin.”  Binitawan ko na yung kamay niya at nilagay ang mga kamay ko sa bulsa ko. Saka ako nag lakad ng nakayuko palayo sa kanya.

“Z-Zeus!T-teka!”Huminto ako at mabilis siyang nilingon.“Ano yun?”

Nagulat ako ng makita ko siyang nakatungo at umiiyak. Lalapitan ko sana siya para patahanin pero nag salita na siya.

“M-mahal k-kita.H-hindi dahil sa pangalan mo kundi dahil sa ikaw mismo.”

“E yun naman pala e!E bakit ayaw mong maging tayo?”  Napakamot na lang ako sa batok. Pero hindi maalis ang malawak na ngiti sa labi ko dahil sa mga sinabi niya.

“Kasi nga hindi tayo pwede! Mayaman ka! Mahirap ako! May hadlang! Kaya please lang, hanggang kaya ko pa, layuan mo na’ko. Sapat na siguro yung alam kong mahal mo ako at alam mong mahal kita. Tanggapin na lang natin na hindi lahat ng pag mamahalan ay maaari. Isipin mo na lang yung sasabihin nila tungk—“

“Wala akong pakialam sa sasabihin nila sa’yo!”

“Ako din naman e! Pakialam ko ba sa sasabihin nila sa’kin! Ikaw yung inaalala ko. Kasi ikaw nga si Zeus! At alam kong hindi papaya ang mundo na mapunta ka lang sa mas mahirap pa sa daga na katulad ko!”

“Masyado mong minamaliit yung sarili moa lam mo yun?”  Lumapit ako sa kanya at niyakap siya kaya tinutulak-tulak niya ako pero mas hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya.

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon