Pair 5: Romance + Action (Not a Gangster Story)

247 2 2
                                    

Story 2: Not Another Gangster Story

Once upon a time there was another story. But, this is different, it was Not Another Gangster Story.

Pauwi na ko galing sa palengke ng mapadaan ako sa isang eskinita. Dito naman talaga ako madalas dumaan dahil shortcut ito sa'min. Pero nagulat ako sa narinig ko.

*BOOG*

*BLAG*

Nagulat ako sa 'nang may grupo ng mga binatang kalalakihan na nagbubugbugan. Di ko alam kung gagalaw pa ba ako o hindi na dahil natatakot talaga ko. May mga lalaking nakahandusay na sa sahig at di gumagalaw.

Sapakan dito, sapakan diyan. Walang patawad sila kung magsakitan. Napansin ko 'rin na pinagtutulungan ng tatlong kalalakihan ang isang lalaki. Di 'nga? Kaya niya 'yung tatlong 'yun? Nakatalikod 'yung lalaki dahil patuloy pa 'rin siya sa pagsapak ng kalaban. Napatumba na niya 'yung isa at dalawa na lang. At dahil ngayon lang siguro ako natutong mag-isip na delikado ang pananatili ko dito, napagdesisiyunan kong umalis na. Pero sa kamalas-malasan, may humatak sa braso ko.

"WAAAH! MAAWA PO KAYO! MAHAL KO PA PO ANG BUHAY KO! WAAAAAAH!" Isang mukhang adik na binata ang humablot sa braso ko. Pinipilit kong kumawala pero mas malakas 'tong lalaking 'to. Pakiramdam ko 'nga mababali 'yung braso ko sa higpit ng pagkakahawak niya.

"ANONG GINAGAWA MO DITO? KASABWAT KA BA NG LALAKING 'YUN?!" Tae, ang panget naman ng boses nito, p'ang matanda. Pwe! Tinuro niya 'yung lalaking pinagtutulungan nila kanina na ngayon ay isa na lang ang kalaban dahil malamang 'yung isa hawak-hawak ang maganda kong braso.

"HINDI PO! HINDI PO! N-NAGKATAON LANG NA NAPADAAN AKO DITO PERO 'DI KO PO SIYA KASABWAT! P-PAKAWALAN MO NA KO! WAAAAA-

"Tumahimik ka!" Ngayon mas mahinahon yung boses niya pero panget pa 'rin at putakte siya dahil ang baho baho ng kamay niya na nakatakip sa bibig ko damay 'yung ilong ko.  "Wag ka nang magsinungaling. Kakampi mo 'yung bastardong lalaking 'yun."

"ABA HIN-- WAAAH! ANO BA! BITAWAN MO KO!" Hinila ko ng panget na boses na lalaki palapit 'dun sa nagbubugbugan. Jusko po! Ayoko 'pang mamatay. Napalingon naman yung dalawang nagbubugbugan. Katulad ng nakahawak sa akin kanina, panget din 'yung kasama niya. Pero 'yung isa ohmygolly wow! Cliche na tignan' pero ang hot ng guy na ito. Kahit madami na siyang sugat sa mukha, gwapong-gwapo pa 'rin. Napatigil naman ako sa pagdaday-dream ng magsalita yung nakahawak sa braso ko. 

Kasabwat 'daw ako ng hot guy. Tinignan niya lang ako panandalian at umirap. Putek, ayoko 'pang mamatay. Kahit 0.001% umaasa kong ililigtas ako ng poging 'to pero 'di pala. Tinake niya 'yung advantage na distract 'yung mga kalaban at pinagsusuntok. Muntik 'pa ng siyang masasak sa likod ng isang lalaki pero siyempre mabait ako at sinipa ko sa ano niya 'yung lalaki 'edi napaluhod diba? Sinipa ko lang ng sinipa hanggang sa mawalan 'to ng malay. Kala ko 'nga patay na eh, pero humihinga 'pa naman.

Tinignan' niya ulit ako ng pandalian at tumalikod at naglalakad palayo sa'kin. Aba, bastos 'din 'to eh. Pagkatapos kong tulungan, 'di 'man lang magpapasalamat? Kahit labag sa kalooban niya magpasalamat 'man lang siyang sinipa ko ‘yung isang lalaki.

"Hoy, eh..mister.. wait naman oh." Pilit kong hinahabol 'yung lalaking masungit pero mabilis siyang maglakad. Nakakainis naman, ba't ang bilis niyang maglakad? Nagulat ako ng huminto siya at bored na lumingon.

"What?" Para naman ako naubusan ng mga salita 'nang humarap siya. Anong sasabihin ko? Nawala na 'yung lakas ko na sabihin 'yung iniisip ko kanina. Tinignan niya kong ng mas matagal. Nailang naman ako sa tingin niya kaya lumihis ako ng tingin.

WP New Stories' One-Shot Story ContestWhere stories live. Discover now