Chapter 17: Virgo Lover. Ivan Stalker?

2.7K 65 27
                                    

Chapter 17: Virgo Lover. Ivan Stalker?

Kaliwa, kanan. Babalikwas pabalik sa kaliwa. Maya-maya sa kanan na naman.

Mula pa lang pagkagising ko, mukha na ni Virgo ang naiimagine ko. Hindi na sya maalis sa isipan ko. Sa pagpikit ko ng aking mga mata at sa muling pagdilat ko ng mga ito sya pa rin ang nakikita ko. Naiisip ko ‘yung mga nangyari sa sinehan. ‘Yung paghalik nya sa akin, ‘yung lambot ng mga labi nya, ‘yung parang kaming dalawa lang ‘yung tao nung mga oras na ‘yon. At nung sinabi nya sa akin ang ‘I love you’, napasabi din tuloy ako ng nararamdaman ko sa kanya.

Ganito pala katindi ang nadudulot ng pag-ibig sa isang tao. Kung ganito na lang pala kasarap sa pakiramdam, sana dati ko pa naisipan na magkaboyfriend. Para akong nasa langit, para akong lumilipad!

“Margette! Nahihilo na ako sa kakalikot mo diyan sa kama. Napapaano ka ba?” napahinto ako sa aking paggalaw ng makita ko si Kuya Dustin na nakatayo sa may paanan ng kama namin.

“Wala Kuya!” nakangiti kong tanggi sa kanya. Pinipigilan ko ang sarili ko na ngumiti ng sobra, pero parang nakastapler na ang malaki kong ngiti sa mukha ko.

 

“Wala daw pero mukha kang kiti-kiti d’yan, para kang bulate na nilagyan ng asin. Tanggal tanggal na ‘yang bed sheet. Ayusin mo nga ‘yan bago ka lumabas dito sa kwarto. Bumangon ko na, magaalmusal na.” umiiling na lumabas ng kwarto si Kuya D.

Tinitigan ko lang ang pintuan hanggang mawala na sa panginin ko si Kuya Dustin. Nagpaikot-ikot akong muli sa kama. Kinikilig pa rin ako!

Nagtakip ako ng unan sa aking mukha, tinaas ko ang aking dalawang paa at napasigaw ng ‘waaaah!’

Bumalik ako sa aking sarili ng marinig ko ang paglagabog ng pintuan, may nagbukas nito.

“Hoy, Chalstine Margarette!” galit ang tono ni Kuya D.

Inalis ko ang unan sa aking mukha at bumangon para umupo sa kama. Hinarap ko ang masungit na mukha ng kapatid ko.

“Napapaano ka nga? Walang hiya!” seryoso na talaga ang mukha ng Kuya ko.

 

“Wala.” Natakot ako bigla sa hitsura ng mukha nya.

 

“Teka, kayo na ba?” kumunot ang noo ni Kuya Dustin.

Ito ang ayokong mangyari, ang tanungin nya ako tungkol sa bagay na iyon. Ang relasyon namin ni Virgo ngayon. Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanya, hindi ko pa alam kung anong mangyayari kapag nalaman na nya.

Pumasok muli si Kuya Dustin sa kwarto, umupo sya sa dulo ng kama. Magkaharapan na kaming dalawa.

 

“Sagutin mo ‘yung tanong ko, kayo na ba?” sa pagkakataong ito, naramdaman ko ang pagaalala sa reaksyon ni Kuya D. Alam kong iniisip nya lang ang kapakanan ko.

"Chalstine, Log In!" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon