Prologue

15.6K 161 38
                                    

Prologue

Laman ako ng computer shop.

Handa ako kahit sinong kalaban sa TLC.

Mas pinipili ko pang kasama ang mga lalaki.

Masaya ako sa tuwing nakakapanalo kami ng bawat clash.

Nakakaadik!

Nakakaexcite!

Nakakatuwa!

Marami kaming nakakaasaran, kung minsan pa nga ay nakakaaway.

Ang sarap kayang makipagtrash talk habang naglalaro!

Syete yan!

Mas lalong napipikon ang kalaban, mas nakakagana!

Pero nung nagkita-kita kami ng mga nakalaban ko sa online game, dun na nabago ang lahat.

Mas naging intense ang bawat laban.

Mas nagkakapikunan na.

Mas nagkakaroon ng personalan.

At dahil sa pagkaadik namin sa paglalaro, hindi ko inaasahan na dun ko rin matututunan ang isang bagay na wala akong pakialam.

Isang bagay na hindi naman kabilang sa rules at regulations ng laro.

Isang bagay na wala naman sa plano.

Isang bagay na imposible para sa akin, pero nangyari.

Ang ma-in love.

Ay teka nga, ang dami ko nang satsat!

Tyupi na ako, may laro pa kami!

Tinatawag na nila ako eh!

Opps, ako nga pala si-

“Chalstine, login!”

*~~~~~

sacchariferousdream®

"Chalstine, Log In!" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon