Chapter 16: Special and First

2.9K 71 57
                                    

Chapter 16: Special and First

Tulala akong umuwi sa bahay. ‘Yung totoo, may boyfriend na talaga ako?

Waaah! Parang biglang ayaw pumasok sa utak ko ‘yung nangyari kanina! Bakit ganun?

Masaya si Virgo na hinatid ako pauwi, ni hindi nga nawala ang pagngiti nya simula nung sagutin ko sya. Halatang pabor na pabor sa kanya ang lahat. Pero ako, bakit ngayon lang nagrerehistro sa sistema ko ang mga naganap?

Pagtapak ko pa lang sa may pintuan, si Nanay agad ang bumungad sa akin. Nagkwekwenta sya ng pera nya. Napatingin ako sa nasa tabi nya, si Justin. Maya-maya bigla na lang sumulpot galing sa kwarto si Kuya Austin. Nakatingin sya sa akin, napalunok laway naman ako nung magtama ang mga tingin namin. Papasok na ako sa loob ng bigla naman akong mabunggo ni Kuya Dustin na galing sa labas, mukhang nagmamadali sya at agad na nagtungo sa banyo.

Kumpleto kami sa bahay ngayon. Sasabihin ko na ba sa kanila na may boyfriend ako?

Hindi ko pa ata kaya.

Pero hindi ko rin yata kayang maglihim kahit kay Kuya Dustin lang. Isa pa, malalama’t malalaman din nya dahil kaibigan nya ang boyfriend ko.

“Margarette.” Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Kuya Austin.

 

“Ha? A-ano ‘yun Kuya?” parang wala sa sarili kong sagot.

“Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Magpalit ka na ng damit mo para makapagsaing ka na ng hapunan natin.” Uutusan nya lang pala ako, kala ko kung ano na.

Tumango na lang ako at dumeretso na sa kwarto. Nagpalit lang ako saglit ng damit saka lumabas ng kwarto, kusina ang agad kong pinuntahan.

Busy ako sa paghuhugas sa bigas ng bigla kong inilapag ang kaldero sa la mesa, naramdaman ko kasi na may tumapik sa aking balikat. Paglingon ko sa aking gilid, mukha ni Kuya Dustin ang nakita ko.

“Oh bakit mukhang gulat na gulat kang makita ako?” kunot noo nyang tanong.

Eh bakit hindi ako magugulat? Kinakabahan kasi akong tanungin nya ako tungkol kay Virgo. Naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung paano ko sa kanya sasabihin ang balita tungkol sa aming dalawa.

“Ah, wala Kuya D.” umiling ako at binalik ang tingin sa ginagawa. Napakagat labi ako ng maisip kong mahahalata nya ako sa pagiging balisa ko.

“Sigurado ka? Baka may gusto kang sabihin?” ayan na nga ba ang sinasabi ko, halata nga ata talaga ako.

Aamin na ba ako? Sasabihin ko na ba sa kanya ang dapat nyang malaman? Pero paano ko sisimulan? Magagalit kaya sya? Ugh! Bahala na nga!

 

“Ah, ano.. Ano kasi Kuya Dustin.. Ah..” hindi ko talaga maisip kung paano magsasabi.

"Chalstine, Log In!" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon