Chapter 9: Moody Volvo?

3.7K 78 40
                                    

CHAPTER 9: Moody Volvo?

Nakakakaba ang reaksyon ni Virgo. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ganun ang naramdaman ko, basta nakakatakot sya. Mas nakakatakot pa nga sya kaysa sa kung paano magalit si Kuya Austin.

“Huwag kang mag-isip ng kung ano Brad. Wala akong ginagawa na dapat mong ipangamba.” Agad na sabi ni Kuya Evo.

“Woah! Anong nangyayari dito?!” bigla na lang sumulpot sa kung saan si Kuya Ivan.

“Margarette! Saan ka ba nagpupupunta?!” tumakbo papalapit sa akin si Kuya Dustin, niyakap ako ng mapagmahal kong Kuya.

Naghahalo ang reaksyong nararamdaman ko dahil sa kanilang apat. Pagkatuwa nung nakita ko si Kuya Evo, pagkatakot nung nagtama ang mga tingin namin ni Virgo, pagkagulat sa biglang pagsulpot ni Kuya Ivan at kapanatagan nung nakita ko ang Kuya Dustin ko na papalapit sa akin. Silang apat, lahat sila kakaiba ang nadudulot sa akin.

“Sa susunod huwag ka ng lalayo sa akin ha? Nagalala ako sa’yo!” hindi pa rin matigil si Kuya Dustin, yakap pa rin nya ako. Wala eh, Kuya’s girl kasi ako.

“Oh tara na, buti na lang nakita na natin si Margarette. Tara, kain na tayo.” Nag-aya nang umalis si Kuya Ivan.

Agad akong hinawakan sa braso ni Kuya Dustin, naglakad na kaming dalawa. Binalikan ko ng tingin sina Kuya Ivan, Kuya Evo at Virgo. Hindi maalis ang mga tingin ni Virgo kay Kuya Evo, nanlilisik pa rin ang mga mata nya. Nakita kong hinila sa braso ni Kuya Ivan si Virgo, sabay tango kay Kuya Evo para sumunod. Mukhang hindi maganda ang timpla ni Virgo dahil sa nangyari.

Pumunta kasi sa isang pizza restaurant, yung kulay dilaw. Mukhang mamahalin ang mga pizza dito, hindi pa kasi ako nakakapasok sa ganitong klase ng restaurant. Mukhang sa unang pagkakataon makakakain ako ng pizza na mamahalin, ang nakakain ko lang na pizza yung tinitinda sa kanto malapit sa amin.

Katabi ko si Kuya Dustin habang ako nasa may bintana. Sa kanan ko, nakaupo naman si Kuya Evo sa may harapan ko. Katabi nya si Virgo na kanina pa hindi nagsasalita. At ang walang tigil sa pagdaldal na si Kuya Ivan naman nasa gitna, para syang padre de pamilya sa isang mahabang kainan.

Dumating ang order naming pizza at ang laki! Natakam ako agad ng makita kong ilahad ng waiter ang pizza. Halos sunggaban ko na agad dahil sa pagkatakam at pagkagutom.

Nilagyan ako ni Kuya Ivan ng isang slice sa pinggan ko, magpakabusog daw ako dahil libre nya. Nagsikuha na sila ng kanya-kanyang pizza at nagsimula na ring kumain.

“Ikaw Margarette ha, sa susunod huwag ka ng lalayo sa amin. Kundi lalagyan kita ng kadena. Hahaha biro lang!” sumubo si Kuya Ivan ng pizza pagkatapos magsalita, loko talaga.

“Buti na lang nga nanduon si Kuya Evo eh. Kung hindi ko sya nakita siguro naiyak na talaga ako, wala naman kasi kayo nila Kuya Dustin!” pagdadahilan ko kay Kuya Ivan.

"Chalstine, Log In!" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon