Chapter 23: Who's Volvo?

1.9K 70 36
                                    

Chapter 23: Who's Volvo?

Si Kuya Evo..

Kuya Evo.. Kuya Evo..

Sya lang ang naging laman ng isipan ko habang nakatutok ang dalawa kong mga mata sa monitor ng computer nya. Napuno ng katanungan at naghalo-halo ang mga bagay sa isipan ko dahil sa hindi ko inaasahang makikita ko ngayon.

Tatayo na sana ako upang harapang tanungin si Kuya Evo pero bigla na lang may lumabas na chat box sa screen.

Ross&Thor: Hoy Brad! Evo!

Hindi pamilyar sa akin ang username na lumabas, hindi pa namin sya nakaharap o nakaclash kahit na isang beses. Pero ang nagmessage ay galing sa clan nilang UFC. Isa pang nakaagaw ng pansin ko ay ang pagtawag ng member sa pangalan ni Kuya Evo.

 

Ross&Thor: Evo! Hoy! Ay, o baka naman ikaw ang may gamit ng account ngayon, Virgo?

Humaba ang leeg ko sa nabasa kong mensahe ng kaclan nila.

Ay, o baka naman ikaw ang may gamit ng account ngayon, Virgo?

 

Ang gulo! Bakit biglang napasok sa usapan si Virgo? Ibig bang sabihin nito parehas nilang ginagamit ang account na Ironic_Volvo? E bakit si Virgo lang ang humarap sa annual meet up, dapat pareho silang dalawa na dumating. Hindi ko na maintindihan, naguguluhan ako sa mga nababasa ko sa The Legendary Clash!

Nakatingin pa rin ako sa monitor ng computer ni Kuya Evo ng mapansin ko ang maraming papel na nakakalat sa ilalim nito. May ilang pilas na at ang iba naman ay pinagpupunit sa maliliit na piraso. May nakahalo ditong mga pinagpupunit na litrato.

Ito na naman ang usisera kong utak, kinuha ko ang mga iyon at sinubukan kong tingnan kung mabubuo ko ba ito. Ilang sandali lang, isang imahe ang nabuo ko mula sa mga piraso ng litraro. Si Kuya Evo kasama sina Kuya Ivan, Virgo pati na si Kuya Dustin.

Nakasuot silang apat ng pare-parehong damit pero may nakasulat lang na Ultimate Force Clan sa harapan, habang may nakasulat namang mga salita sa pangalan ng clan nila. Medyo malabo ang dating ng litrato pero kaya pa namang maaninag ang nakasulat sa mga damit nilang ‘yun. Isa-isa kong binasa ang mga pangalan hanggang sa makilala ko silang lahat sa mundo ng TLC.

LoveOfHera ang nakalagay sa damit ni Kuya Dustin, ‘yun pala ang username ni Kuya D sa mundo ng TLC. Kahit kailan hindi ko nakita ang username nyang ‘yon. Si Steel_Warrior naman si Kuya Ivan, sya pala ang lalaking may malaking chainsaw.

Pero sa dalawang username na natitira ako lubusang nagulat.

Kraust_Vintage, ‘yun ang nakasulat sa damit ni Virgo, ibig sabihin sya ‘yung lalaking nakalaban na ni PJ dati. At si Kuya Evo naman, Ironic_Volvo ang nakalagay sa damit nya sa picture nila.

"Chalstine, Log In!" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon