Chapter Eighteen - Love will Keep Us Together

1.8K 52 5
                                    

"Matt-matt, ayaw ko na. Balik na kaya tayo? Best friends na lang ulit!" sabi sa akin ni Sarah habang naglalakad kami sa papunta sa office ng Daddy nya.

Ang dami-dami nyang dahilan. Worst daw syang maghandle ng relationship at kinakabahan daw sya. Ito talagang babaeng to, tinotopak na naman . Tssss.

"Baliw ka talaga ! Isa pang ganyan, hihiwalayan na talaga kita! Ang gulo-gulo mo. Bakit ba? Kinakabahan ka ba na hindi ako tatanggapin ng parents mo? E sure naman ako na boto na sa akin sina Tito at Tita." inis kong sagot sa kanya.

Kung iniisip nya ang Mommy nya, okay naman lahat e. Botong boto naman si Tita. Si Tito lang ang di ko sure pero confident pa rin ako na okay lang sa kanya kasi kapag nagkakausap kami, palagi nyang ibinibilin na tingnan tingnan ko ang anak nya , tiwala naman sya kapag inaaya ko syang lumabas, ayos lang din sa kanya noong nagpaalam ako na liligawan ko ang anak nya kaya sa tingin ko ay wala namang magiging problema. Si Sarah lang naman yung nagiging problem e, di ko sya maintindihan kung bakit napakabilis magbago ng isip nya, mas mabilis pa sa pagmamaneho nya e. Tsk..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Good morning po Daddy." bati ni Sarah kay Tito na mukhang busyng busy sa ginagawa nya.

"Maganda pong umaga Tito." nakangiti kong approach sa kanya.

"Upo muna kayong dalawa dyan."

Yun lang ang narinig ko kay Tito. Medyo bad mood ata si Tito e, wrong timing pa ata kami ni Sarah pag nagkataon.

"Daddy , balik na lang kaya kami next time. Mukhang busy ka po e."

"Pumunta ba kayo para sabihin na "kayo" ng dalawa?" sagot ni Tito kay Sarah.

Hindi naman imposible na di nya malaman kasi siguradong nasabi na kaagad-agad ni Tita sa kanya pero ang di ko lang maintindihan e kung bakit wala akong nakikitang kahit katiting na sign na masaya si Tito para sa aming dalawa.

"Sarah, may sinabi ako sayo kagabi di ba ? Tungkol doon sa bago mong endorsement na nakuha ko. Madami akong pinagdaanan bago ko nakuha yung ad na yun kaya sayang naman kung mawawala lang."

Naguguluhan ako sa pinag-uusapan nilang dalawa. Wala man lang akong kaide-ideya. E endorsement lang naman pala e , bakit parang ang laking problema naman non kay Tito? Sanay na naman kaming dalawa ni Sarah na magmodel sa sports magazines , gumawa ng commercials at madalas ay nakukuha din kami  bilang endorsers sa ilang mga hygiene-related products.

"Ano po bang problem Daddy? Parang okay naman po yung deal kasi ang laki ng offer dito sa ad agency mo."

Binasa ni Tito yung contract ng isang napakalaking automotive company. Nalaman namin kung bakit kanina pang hindi mapakali sa Tito.

"Seryoso po? Anim na buwan?" sagot ni Sarah.

Dahil sya ang magiging main model na magrerepresent sa bagong ilalabas na unit ng kompanya, sya rin ang magiging cover ng magazine at may gagawin din syang commercial, siguradong aalagaan sya nang mabuti ng magisponsor sa kanya.

MUST BE SINGLE. Yan ang isa sa qualification na kung saan ay pasado si Sarah.

"E Tito, hindi po ba meaning non ay basta walang asawa okay na?" usisa ko.

"Sana ganon nga pero yan ang idiniscuss sa akin ng sobrang tagal. Si Sarah kasi ang magiging new asset nila at alam mo namang mas maraming male client dito di ba? 6 months yun. Hindi naman ako tutol sa relationship nyong dalawa pero wala na akong magagawa kasi all set na yung trabaho ni Sarah after her race. Kayo na lang ang bahala kung gusto nyong mag lie-low muna o itatago nyo na lang. Pasensya na kayong dalawa ha, di ko naman akalain na magiging kayo agad. Ang bilis mo namang sumagot Sarah. Hahahaha."

My Rival, My Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon