Chapter Fourteen - Effective Charm

1.9K 50 6
                                    

~ Sarah's POV

It's been two weeks kong pinag-isipan kung sino ang ilelet go ko. Dalawang linggo kong pinagmasdan sila at pinag-aralan ang desisyon ko. I know may masasaktan ng slight kasi nararamdaman ko naman kung gaano ako kahalaga sa kanila pareho, pero ayaw ko talagang may nagpapaligsahan para lang sa simpleng "Oo"ko. Nakakainis, pero dapat kong gawin.

(monologue in front of her mirror)

"Matt-Matt, I'm sorry, sorry talaga pero mas okay siguro kung best friends na lang tayo."

tsk. Parang ang cruel naman ng dating non.

"Matt, I hate to say this pero matagal ko na talagang gusto si Marlon. Alam mo naman yun di ba?"

Woah! Ang landi naman ng dating ! Baka isipin ni Matt na sa simula pa lang wala na talaga syang pag-asa pero hindi naman sa ganun, wala lang talagang spark.

"Bes, may babae na darating para sayo . Siguro hindi ako yun . Siguro malayo pa sya, baka natraffic lang. Sorry bes, sorry..."

Ayoko na, ang hirap magpractice sa salamin :( Yung feeling na kahit anong sabihin ko, may masasaktan pa rin. I need to talk to him as soon as possible.

--------------------------------------------------------

~ Matt's house ~

"Wow, son , sino na lang ang hindi maiinlove sayo sa itsura at dating mo pa lang, laglag na ang dapat malaglag pag nakita ka, hahaha. Anak, good luck. Show Sarah that you're not joking around, make her feel that you're serious. Mas kilala mo sya kaysa doon kay Stockinger na yun." Mama told me pagkatapos naming kumain ng meryenda.

"Pero mukhang dehado ako Ma, patay na patay sya kay Marlon, crush nya nga di ba? Di ba dream come true para sa isang babae kapag niligawan ng crush nila. Parang naging sabit lang ako sa relasyon nila e. Wala ata akong pag-asa. Baka nagkamali ako ng ginawa, nasira ko lang ang friendship namin."

"Ano ka ba naman anak! Wag kang nega! Sya nga pala, dadating mamaya yung stylist para sa get-up mo sa  dinner nyo ni Sarah."

"Ma  I don't need them. Pinaready ko na kay Manang yung isusuot ko."

Tumawag sa akin si Sarah kanina at gusto daw nya akong makausap. I really had a bad feeling about this. Baka iturn down nya na ako. Matagal ko nang inihanda ang sarili ko, pero parang di ko talaga matatanggap na hindi ako ang pinili nya.

I gave all my efforts sa two weeks na dumaan. Hindi ko na kinailangan pang magpalakas kay Tita kasi all-out support naman ang ibinigay nya. I always send her good morning messages para sa paggising nya, ako na yung bubungad sa kanya. Never ko na syang kinulit na itext nya ako kasi sabi nila, mas malalaman ng isang tao kung gaano ka kahalaga kapag di ka masyadong nagpapakita at nagpaparamdam sa kanya kasi mamimiss ka nya. Ang tanong, effective ba yung ginawa ko o naungusan lang ako ni Marlon? Bahala na, tatanggapin ko na lang kung ano ang sabihin nya. BAHALA NA TALAGA!

My Rival, My Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon