Chapter Four - Farewell

2.3K 43 1
                                    

Dispedida party sa bahay nina Sarah dahil napagdesisyunan ng pamilya nya na sa America na lang nya ituloy ang pag-aaral nya. Marami silang kamag-anak doon na mag-aalaga sa kanya kaya kampante ang mga magulang nya na ipaubaya muna sa kanila si Sarah. Maiiwan sila dito sa Pilipinas dahil kailangan para sa trabaho at sa ineexpand nilang kompanya.

~~ ~~~~

“Hey, seatmate, ilang years ka mag-istay doon sa America?” I had the chance to talk to her at the party. Kahit papaano naman ay naging magkaibigan kami ng konti.

“Maybe four or five. Depende naman din sa akin Matteo kung mag-eenjoy ako. Kung hindi ko magustuhan, anytime babalik ako dito. (smiles)”

“Naku sayang naman. Aalis ka na pero never ko pang natupad yung pangarap kong talunin ka sa chess o sa volleyball. Tsk, tsk.”

“Naku, wag mo nang isipin yun. Hindi na siguro ako magiging active sa chess at volleyball. Try na lang natin sa racing kasi alam kong mas malaki ang advantage mo sa akin. Balita ko kay Daddy ang bilis mong mag-improve. Sayang talaga kasi di ako nakaenrol last sem kasi inaayos na ang pag-alis ko papuntang US.”

“Sa racing? (laughs). Your mom told me earlier na doon mo itutuloy ang racing career  mo. US yun! Mas malawak ang training ground! I’m sure katatakutan kita pagbalik mo.”

“Matteo, alam mo dahil sayo mas gumagaling ako. Palagi mo kasing sinasabi na gusto mo akong matalo kaya ayun, nagtetraining ako para kung sakaling matalo mo ako, hindi naman nakakahiya ang kalabasan. (laughs)”

“Ganoon ba? Dapat pala di na lang ako naging vocal masyado. hahaha! Pero Sarah, sana pagbalik mo, kilala mo pa rin ako.”

“Yeah, sure. I’m looking forward to race against you. This time, ako yung may gustong makalaban at talunin ka para maprove ko sa lahat na walang gender issues sa pagkarera.” She looked very serious at kinabahan naman ako kasi alam kong gagawin nya yung mga sinabi nya.

“So kompetisyon parin talaga ang pinag-uusapan natin kahit aalis kana . By the way Sarah, can I ask you one thing?”

“Sure, ano ba yun?”

“Hmmm.. Friends ba tayo?” I was just making sure kung okay ba talaga kami kasi ang tagal ko ng may doubt.

“Yeah! I think so? Friends tayo pero may wall tayo sa gitna. May boundary, may rivalry.”

“Oo nga no? At ako ata yung gumawa nung wall na yun. Wala na e! Andito na. Basta Sarah, sana pagbalik mo,ikaw pa rin yung Sarah na kausap ko ngayon. And I’m also looking forward to the day when we’ll meet again, sa race track. Good Luck Sarah.”

“Good Luck Matteo.” She left to entertain other guest.

We’re friends pero may boundary wall. I’ll wait for you ‘ til you come back. Farewell friend, mamimiss siguro kita kahit konti. Tsk.

--------------------------------------------------

Author’s Note:

Short Update :) This marks the end of the INTRODUCTION ng story :))

Teaser: Ang pagbabalik ni Sarah ^_^

Keep the votes and comments coming! Thank you po sa lahat ng nagbabasa!

~PopstarDiaries <3

My Rival, My Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon