Chapter Eleven - It's Complicated

2K 46 2
                                    

“Grabe Bro, Asher, lakas ng chemistry nyo dito ha! Napamura nga ako nang makita ko ito.” si Gab na palagi na lang kaming inaasar ni Sarah sa isa’t isa ang nangunguna sa pagsalubong sa amin.

Ipinublish na ang article na nangyari sa event at isa kami sa nai-feature doon, yung tipong mukha naming dalawa ang nakabunga sa isang page na naisulat.

“Tigilan mo kami Gab, tinotopak ka na naman.” kailangan ko syang pigilan kasi alam kong medyo naiinis na rin si Sarah sa pang-aasar nila.

“Matt-matt, 5 laps today?” Sarah approached me . She noticed the broadsheet and grabbed it from Gab

“Wow! Nice Shot. hahaha. Cute natin dito Matt, parang ewan lang. Sunod ka na sa akin sa track. Maghihintay kami ni Betty.”

So that was her reaction sa photo. Okay!

-----------------------------------------------------------------

Habang tumatagal ang panahon, habang humahaba ang aming pinagsasamahan, di ko maalis sa isipan kong sana ‘Sya na lang’ yung palagi kong kasama.

Because I don’t wanna ruin our friendship, napagdesisyunan kong manahimik na lang at isantabi na lang ang kung anumang attraction na nararamdaman ko para kay Sarah. I’ll try not to stare at her and siguro mas okay kung hahanap na lang ako ng mapapagbalingan ng atensyon.

But we promised each other na hinding hindi na kami mananakit at gagamit ng tao para maging panakip-butas lang. Tsk. Tsk. Why is it that my life is so complicated? :(

------------------------------------------------------

Sarah’s POV

May kasalanan na naman ba ako kay Matt-matt? Bigla-bigl na lang syag nagbabago. Am I too clingy na ikinakoconscious nya sa tuwing may lakad kami sa labas? Is he not happy sa rumor na balita na ‘in a relationship’ kaming dalawa? Pangit na ba ako? Hindi na ba ako yung Sarah na nakilala nya, na bestfriend nya? Nagbago na ba ako? O di kaya sya na yung nagbago.

Sh*t Matt-Matt, tinotorture mo ako mentally!

We need to talk. We need to fix those problems na di ko talaga alam kung ano. Ayaw ko talaga ng may kaaway! Ayaw ko talaga.

“Asher, check mo itong IG post dito na nakatag si Guidicelli.” One of the junior drivers approached me and handed his phone.

It was a  stolen photo. His fan-base account posted it an hour ago.

With a caption : “ SPOTTED: RP Team’s racer @mateoguidicelli with his true girl? #curious”

He’s with a girl na mukhang Fil-Korean o kaya half Chinese pero mukha pa rin syang Filipina. Maganda sya, bagay na bagay sila ni Matt-Matt.

Wala pala kaming dapat pag-usapan :)) Binata na ulit si Bestfriend kasi lumalabas na uli sya at nakikipagdate. Kelan kaya ako makakahanap ng para sa akin? Sana soon! Para pareho kaming happy.

~~~~~~~~

“ Geronimo, hindi na si Guidicelli ang makakasama mo sa training kasi iniassign ko sya kasama si Ivan para sa mga drifters. May bago ka ng partner.” sabi ni coach sa akin.

Okay lang naman na may bago akong kapartner pero mamimiss ko lang sigurong batukan si Matt-matt.

Di pa rin sya umaamin tungkol sa babae na kasama nya doon sa IG photo pero I guess gusto lang nya ng privacy. Aminado naman akong kahit magbestfriends kami, dapat ay magtira rin kami ng para sa sarili namin. Naiintindihan ko ang gusto nya.

 “Sarah?”

Si Matteo lang ang tumatawag sa akin ng ‘Sarah’ pero this time, ibang boses ang napakinggan ko. Nilingon ko agad kung saan nanggaling ang boses na parang pamilyar sa akin at laking gulat ko nang makita ko sya.

My Rival, My Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon