Chapter Twenty - Race

1.5K 42 12
                                    

Matteo's POV


Rest day ni Sarah. Kailangan nyang magpahinga, makumpleto ang tulog at makondisyon before the race. Ako naman, andito sa camp for preparations, for quality assurance at syempre para na rin sa pagkakabit ng malalaki naming banner para sa kanya. Hindi naman talaga ako yung nakaassign lalo na sa technical, maraming mga experts ang naandito; pati na rin yung dating teammate ni Sarah noong nasa US pa sya pero di ako mapakali... Parang gusto kong bantayan lahat. I already checked her safety suits, her helmet and the car freshener also.


"Hanep bro, magrequest kaya ako sa accounting na dagdagan ang sweldo mo kasi pati itong sa technical, talagang sinadya mo pang puntahan at magcheck. Hahaha" Ivan told me.


"Para sa kanya to e." bulong ko.


"Wooooo! Iba na talaga ang inspired. Matindi ang tama mo tol. Kabado ka rin no?" he said.


Sobra. Hindi ko magagamit sa pagkakataong ito yung salitang "Chill, chill lang." Yan kasi ang palagi kong sinasabi bago magrace para naman mapull down lahat yung kaba ko at yung kaba nya pero ngayon ako pa ata yung unang manginginig ang tuhod kapag sumalang na sya.


Beep.. Beep......

"Hi Love! I'm done with my workout, I already ate, bathed and I'm preparing for a good nap. Kamusta? I missssssssssssssssssss you!"


She texted. Di ko tuloy maiwasang mapangiti.


"I miss you more, love! Good! Hmmm. I'll call you mamaya pagkagising mo ha.Grabe, bakit kasi ayaw mong pumunta ako dyan?"


She told me kanina na wag na lang daw akong bumisita. I know naman na ayaw lang nyang makita ko syang kabado. Lakas-lakasan sya e. Kaya nga mahal na mahal ko. Hahaha.


*FLASHBACK


We went to Laguna and biked. Pero itong si Sarah, masyado ata ang pagkafascinate sa background, sa mga puno at sa clear sky kaya ayun, nahulog, nagasgasan.


"(smiles) May peklat na naman ako sa isang araw." She said. E ang pula pula ng binti nya, ang sakit sakit kaya nun!


Ako pa ang niloko e alam ko rin naman ang feeling na magkasugat.


"Kargahin na kita hanggang sa baba. Pababalikan ko na lang kina Ivan yung bike mo." I said after na lapatan ng first aid ang gasgas nya. May malaki pa syang pasa sa may braso at sa binti.Tsk.


"Kaya ko love. Aabalahin mo pa sila." She said.


"Isa!"


"Aba, binibilangan mo ko ha. Tsk. Kaya ko naman e." Akma syang tatayo pero natumba sya dahil sa kirot ng sugat sa may binti nya.


"O ayan! Lakas lakasan?" nakangisi kong sabi sa kanya sabay kuha sa braso nya para dahan-dahang itayo.

My Rival, My Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon