Mission#20

5.3K 112 28
                                    

Mission#20| Agent Six

Napangisi na lang ako sa ginawa niya sakin. At mula sa pagkakahawak sa akin ay agad kong nabali ang kamay ng dalawang lalaki at saka prenteng umupo sa swivel chair ng boss nila.

"Oh, Dear! I'm not that stupid. Wait baka hindi kayo nakakaintindi ng English. Translate ko. Hindi ako ganoon katanga."

Nakita ko namang napataas ang kilay niya. Ay, pak! Ka-federsayon ba siya? May pa-taas pa ng kilay. Ay, bet ko yan!

When they loose their calm demeanour, I quickly fished that thing that I kept hidden on my suit. Dahan-dahan ko itong inilabas. When I successfully got what I want, ngumisi ako sa kanila. Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya at napa-atras ang mga kasamahan niya.

"Anong akala mo sa akin bobo? Uh no, no." tumayo ako sa pagkakaupo ko at lumapit sa kanya.

"I'm not a bad kitty. I'm a bad tiger" I whispered, enough for him to hear.

Lumayo ako at hinarap sa kanya ang bomba. You read it right. A bomb, but its not just an ordinary bomb.

"Alam mo ba ng unang kita ko pa lang sayo iniisip ko na jackpot ako, bakit? Aba, bakit hindi? Dahil ang target ko ay imbis na pahirapan ako sa paghahanap ay biglang nahulog sa harap ko. Oh diba. Kung sa inaakala mo na hindi kita kilala... aba aba nagkakamali ka. Of course, alam ko kung sino ang target ko." In this line of our work, trust is the key. That is why, as an agent, Trust no one!

He furiously cursed at muli akong binalingan. "Punyeta kang babae ka!"

Aba! Aba! Mala-anghel ang mukha pero ang lutong mag-mura!

"Bleh! Bad kaya ang magmura. bad ka" nang-iinis na turan ko. Ang sarap kasi niyang asarin e.

Mukhang nagalit nga talaga ang bata. I smirked. Perfect, Kacey! Perfect!Maya maya ay itinutok niya sa akin ang hawak niyang baril at pinanlisikan ako ng mata.

Ngumiti lang ako ng matamis. Sa sobrang tamis lalangamin na kami dito.

"Gusto mong pasabugin ko itong bomba?" I asked. Malay mo naman mag-yes sila, edi mas madali. Buti pa nga tinatanong ko sila e. At least may say sila dito.

Mukhang dahil sa pagtanong na ginawa ko ay lalo lang silang natakot. Nagkagulo naman ang mga kasamahan niya at walang ano-ano ay nagsitakbuhan palabas. Duwag. At kung sa tingin niyong sinuswerte sila. Hindi no. Bacause sa labas nito ay ang iba pang mga agents at sila na ang bahala sa kanila.

"Sige pasabugin mo at sabay tayo mamatay dito. Ano ako tanga? Kapag pinasabog mo iyan mamamatay ka rin"

Natatawa talaga ako sa itsura niya lalo na noong sinabi niya iyon. Mukha siyang nanatae. Hindi ko alam kung natatakot ba siya oh ano eh.

Hinawakan ko iyong bomba at sabay hawak sa ring na bilog na kapag tinanggal ko ay sasabog.

Pero bago ko pa tuluyang mahatak ang ring bigla siyang nahimatay, corny ni kuya. Like really? What the fuck?

PAKANTA-kantang pumunta ako ng room ko. Wala trip ko lang. sige na nga sabihin ko na kasi... may date kami ni Takumu ngayon.

Ganto kasi iyon. Kahapon pagkatapos ng mission ko nakaupo na lang ako sa krusty krub ng biglang lumapit sakin si Takumu, "Kacey, come with me tomorrow."

Oh, diba aalis daw kami ngayon ng KAMI LANG DALAWA!

Pagtapos kong magbihis. Simpleng dress lang na blue at doll shoes na blue rin. Inilugay ko na lang yung buhok ko... lagi na lang kasi akong nakatali eh. Maiba naman.

Lumabas na ako ang dumeretso sa parking lot. Nakita ko namang naghihintay si Takumu doon. Shet ang gwapo

"Kacey, let's go."

Pagkarating namin ng mall bigla niya ako hinatak sa section ng mga accessories. Mukhang bibilhin ako ng kwinatas.

Lumapit siya sa bilihan ng mga singsing?

"Sir ano po ba ang gusto niyo couple ring?" tanong sa kanya noong sales lady

"Uh, no."

"Uy Takumu, anong ginagawa natin dito?"

"Bibili"

Napangiti na lang ako sa kanya, pagtalikod ko may nakita akong isang singsing. It's an Infinity ring.

Sobrang ganda. Hindi siya ganoon kabongga pero para sakin ang ganda niya. Simple pero malakas ang dating.

"Takumu, ayun maganda oh" sabay turo doon sa singsing.

Ngumiti siya.

"Yeah. Magkano dito?"

"Alin sir?"

"Iyong infinity ring."

"500,000 po"

Nanlaki iyong mata ko sa presyo. Nakakalula. Totoo ba ito?

"Okay, I will take it"

"Uy Takumu, ang mahal naman nun. Huwag na lang kaya iyon"

"No. That's perfect" sabay ngiti niya ng tagumpay

"Kanino mo ba iyon ibibigay?"

"hmm? Cindy."

And the smile on face fades. Ang anghel na kumakanta sa aming paligid ay biglang naglaho na parang isang bula. And all I can hear is the loud beating of my heart that is crying in silence.

SPO: Agent SixWhere stories live. Discover now