Mission#13

5.6K 113 24
                                    

Mission#13| Agent Six

When Takumu said that, I said to myself, Nakakakilig. Iyan ang unang pumasok sa isip ko, pero kailangan ko munang i-save si heart ko kasi sobra na e iyong tipong gusto ko ng magmura pero hindi ko magawa.

Tinanggal ko iyong pagkakayap niya sa akin.

"No, Takumu. my decision is final, si Seven ang isasama ko next week"

Right. Tama naman ako diba? Kahit tanga ako kailangan ko pa ring i-save kahit onting pride sa sarili ko.

Narinig kong napamura si Takumu.

"Damn it!"

Tae naman talaga oh.

Humarap ako sakanya ng naguguluhan.

"Ano ba kasing problema mo ha?"

Siguro kung hindi ko lang alam na may gusto siya kay Cindy iisipin kong nagseselos siya sa amin ni Seven pero hindi e.

"I want to be with you because we need to talk"

Napa-huh naman ako. Talk? Bakit hindi pa ba kami nag-uusap sa lagay na ito?

"Nag-uusap na po tayo"

"I want to talk to you in private"

"Hindi mo ba napapansin? Tayong lang dalawa dito hindi pa ba ito private? Ano ba kasi gustong mong sabihin? Deretsahin mo na ako"

Banas ha. Gusto ko lang naman mag pahinga sa lahat ng sakit na nararamdaman ko mukha kasing sasabog na e.

"Gusto ko kasing mag-plano tayo"

Plano? About saan? Sa kasal nami?

"Gusto ko kasing..."

"Gusto mong?"

"I want you to help me to court Cindy"

Sa pagkakasabi niya noon... na-pahinto ako sa kinauupuan ko. So iyon pala iyon. Dahil doon kaya niya ako gustong kasama.

"She is your bestfriend, you know all about her.... So I need you to help me... Please Sais.. Diba tutulungan mo ko? I'm your friend right?"

Ngumiti lang ako sa kaniya ng mapait.

"O-o-oo naman ha ha ha ikaw pa malakas ka sakin" sabay tayo ko at talikod sa kaniya.

"Ah sige alis na ako magpapalit pa ako. Bye"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot tumakbo agad ako papuntang room ko at doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Ganoon na lang ba iyon? Ansakit ng ulo ko. Kailangan ko ng distraction para hindi ko maisip iyong mga iyon.

Pinunasan ko agad iyong mga luha ko... at dali-daling pumunta sa office ni Dos na kung saan kami kumukuwa ng mission.

I need some distraction. I need to take a mission para may mapag-bubuhusan ako ng sama ng loob.

Yeah. It's good being strong but it sucks too when people know that you are strong and they think that it is okay to hurt you. Bayan! Hindi naman drama itong storyang ito bakit ba nagda-drama ako ngayon.

I keep mumbling to my self while walking kaya hindi ko napansing nabunggo ako sa pader.

"Hey"

Ay, hindi pala pader si Seven pala iyon. Hindi ko napansin, antigas kasi e.

"Uy"

"Problem?"

"Huh? Wala kaya."

"Tsk. Tsk. Kacey, maybe you can fool other people but me? Trust me you can't fool me. I know you. Your my little sis remember?"

Ngumiti lang ako sa kaniya.

"Hindi talaga kita maloloko no?"

His lip form into a smile.

"So... care to share?"

I just nodded and smile.

"Good."

PAGKATAPOS ng masinsinan na usapan namin ni Seven bigla na lang siyang nagmu-mura at nagwala... parang adik lang no? He keeps on mumbling some curses and trashing like a crazy person.

"Seven tumahimik ka na."

"E Gago pala siya e. Manhid ba siya? Tss. Bakit kasi siya pa? Iba na lang, tanga iyang nagustuhan mo e."

Umupo na lang ako sa sofa at yumuko. I frown then I sigh, hindi ko alam umiiyak na pala ako.

Hindi si Takumu iyong tanga, kundi ako, kasi ako iyong may gusto sa kaniya at pilit na ipinagdidikdikan ang sarili kahit hindi naman niya gusto.

Niyakap ako ni Seven at pinat sa ulo.

"Shh. Don't cry please... I hate seeing you crying like crazy."

"Tanga ko kasi e, pero mahal ko talaga siya e."

"I will help you... kung hindi niya ikaw makita bilang ikaw pwes hindi siya karapat dapat pagtuunan ng pansin kaya huwag mo na siyang pansinin at iwasan mo kung maaari"

Napa-angat ako ng ulo. Iwasan siya? Hindi ko ata kaya iyon.

"At syempre para marealize niya ang pinakawalan niya, we need to make him jealous dear" Seven said while grinning at me. I smile evilly when I get his point.

I think this isn't a bad idea after all.

Or is it?

SPO: Agent SixWhere stories live. Discover now