CHAPTER 20: YOU WANT TO CHANGE BUT YOU DONT CHANGE

2.1K 62 1
                                    


Her POV

" zue...  I know there's something bothering you,  you can tell me so I know what to do. "

Huminga ako ng malalim at hindi pinansin ang sinabi ni erik.  Nag dire-diretso ako papasok sa kwarto. 

Matapos kasi kaming mag agahan ay umalis na ang mga bata.  Samantalang hindi naman maalis sa isip ko ang mga sinabi ni kuya.. 

Anim na nasyon ang nakasalalay sa akin...  Anim na nasyon ang kailangang magbayad kapag hindi ako gumawa ng paraan... 

Ano ba talaga ang kailangan kong gawin...  Ang sumunod sa gusto nila..  Ang ipaglaban ang dapat na sa akin o ang lumayo at maging makasarili. 

Nanghihinang napaupo ako sa kama bago tumingin sa kawalan. 

" zue.. Ayokong nag kakaganito ka sabihin mo sakin may gumugulo ba sayo?  May problema kaba? Please baby hindi ako sanay na tahimik ka at parang malalim ang iniisip.  "

Malungkot akong ngumiti sa kanya saka iminuwestra ang aking tabi upang maupo siya.  Kita ang pag aalala sa kanyang mga mata , pinakatitigan pa niya ako bago maupo sa aking tabi. 

" pano kung hindi pala tayo ang para sa isa't isa? "

Ramdam ko ang paninigas ng kanyang katawan kaya muli ko siyang tinignan,  nakatiim bagang siya habang madilim ang mukhang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. 

" I think I heard it wrong zue. " walang emosyon niyang sabi. 

Pinagmasdan ko ang paggalaw ng mga dahon sa labas ng bintana.  Maliwanag ang kalangitan halatang walang unos na darating,  maginhawa rin simoy ng hangin.

" paano kung magkahiwalay tayo,  pano kung hindi pala talaga tayo para sa isa't isa " muli kong tanong.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya ngunit alam kong tumayo siya matapos akong magsalita. 

Nanlalaki ang aking mga mata ng makarinig ako ng bagay na nabasag.  Agad ko siyang nilapitan saka tinignan ang kamao niyang dumudugo dahil sa pagkakasuntok sa salamin. 

Mabilis akong kumuha ng malinis na pamunas saka siya binalikan sa kinatatayuan niya.  Nag aalalang tumingin ako sa kanya habang pinupunasan ang dugo sa kanyang kamay,  halos manlamig ako sa sobrang dami ng dugo.. 

Dugo..

Dugo...

Dugo....!

Kailangan kong maging matatag. Hindi ito ang oras para matakot.  Tumingin ako sa kanyang mga mata, wala parin iyong emosyon habang nakatingin sa aking ginagawa.

" ano bang ginagawa mo?! " hindi ko na napigilan ang pag alpas ng aking mga luha sa sobrang pag aalala sa kanya at sa sobrang daming gumugulo sa aking isipan. 

" erik.. " hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.. Hindi ko alam kung kailangan ko na bang sabihin ang totoo o manatili nalang na lihim ang lahat.  Ngunit sa nakikita kong reaksyon niya ay alam kong hindi siya mangingiming gumawa ng hakbang. 

" stop asking me that nonsense question zue!  You know i'll do anything just to be with you!  I will kill those asshole that try to fucking steal you away from me!  Hinding hindi ako mangingiming makipagpatayan para sayo zue,  kaya ayokong maririnig muli ang tanong na yan mula sayo! " sabi niya bago ako iwan.

Nakatulala lang ako sa nakasarang pintuan habang patuloy na umaagos ang aking mga luha...

Napaupo ako sa sahig saka sinapo ang mukha..  Mukhang sa umagang ito ay mauulit ang pag dadalamhati ko..  

Innocence Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon