CHAPTER 4: THE REAPER PART 2

4K 120 5
                                    

Her POV

Nananatili akong tahimik habang nakaupo samantalang nakanganga naman silang nakatingin sa akin habang pinagsisilbihan ako ni erik.

" eat" simpleng sabi niya.  Kahit hindi ko naiintindihan ang sinabi niya,  nakukuha ko naman base sa galaw at ekpresyon na kanyang ginagawa. 

Matamis akong ngumiti sa kanya saka kinuha ang tinapay na mayroong iba't ibang palaman.

Akmang kakagatin ko ito ngunit agad akong napatigil ng makitang lahat sila ay nakatingin lang sa akin habang nakanganga. 

Gusto rin ba nila ng tinapay? 

Napanguso ako saka dahan dahan ibinaba muli ang hawak at tumingin sa kanila. 

Nahihiya akong nag baba ng tingin. " kain po tayo..  " mahinang sabi ko sapat lang ng marinig ng lahat dahil sa katahimikan. 

" hahahahahahahahahaha hahahahhahahahahaah!! " rinig kong tawa ni erik. 

Napakagat nalamang ako sa aking labi dahil sa hiya saka lalong yumuko. 

" cmon baby you need to eat.  Alam kong gutom kana.  Sige na huwag mo silang intindihin okay?  Kumain kana " tipid akong ngumiti sa kanya saka muling kinuha ang pagkain sa aking harapan. 

Nang sandaling dumampi ang masarap na lasa ng pagkain sa aking dila ay nakalimutan kong may tao sa aking paligid.  Masaya kong inubos ang pagkain kanyang hinanda saka uminom ng tubig. 

" nagustuhan mo? " tanong ni erik ng matapos ako sa pagkain. 

Tumango ako sa kanya saka muling ngumiti. 

" ehem.  Baka gusto mo kaming ipakilala anak.  " tikhim muli nung magandang babae na tinawag ni erik kaninang mom.  Marahil ay ito ang kanyang ina. 

Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng mga mata ni erik na halatang hindi nagugustuhan na may ibang tao rito. 

" mom i wamt you to meet zue. Zue siya ang mommy ko therese de mulle,  and my dad hudson de mulle.  "

Napahawak ako ng mahigpit sa aking damit na ngayon ay nasa ibaba ng aking mga hita bago sila nahihiyang tinignan ay nginitian.  " Hello po. " mahinang sabi ko. 

" oh my god!!! " she's so cute!!!!  " sigaw niyang muli. 

Ramdam ko ang paginit ng aking mga pisngi at tenga dahil sa paraan ng pagtingin nila sa aking lahat. 

" kami ba boss hindi mo pakikilala"

" oo nga!!  Nakakatampo! "

" tsk dalawang na kaming nagkikita pero hindi parin niya alam kung sino kami bossing! "

" she doesn't need to know your fucking names asshole!!! " sigaw ni erik, nakita ko naman ang bahagyang pagaalangan ng lima kaya kinuha ko ang kamay ni erik na nakapatong sa lamesa at saka ito pinisil ng marahan. 

Tumingin naman siya agad saka mabilis na nagpakawala ng malalim na buntong hininga. 

" zue, siya si Easton Stauch,  Bryson Nierman,  Sammuel Liranzo,  Jaxson Lavely, at si Andriel Schlitt.  " tinuro isa isa ni erikson ang mga lalaking pinapangalanan niya na agad naman kumakaway sa akin pero mas nakaagaw pansin sa akin ay ang kulay pulang inumin sa kanilang mga kamay. 

Tipid na tango lamang at ngiti ang aking iginanti sa kanilang lima saka muling ibinaling ang aking tingin kay erik .

" let's talk about this tomorrow mom dad.  Zue needs to rest.  By the way ,you five fucking morons wait for me at my office.  " blangkong sabi ni erik saka tumayo. 

Innocence Where stories live. Discover now