CHAPTER 16: NEW PARENTS

2.1K 71 7
                                    

Author's POV

Malalim na ang gabi.  Ni hindi niya napansin ang oras dahil sa sobrang pag aalala sa dalawang anghel na parang siya ang ina ng mga ito..  Na para bang sa ang nagluwal sa kanila.

Marahang hinimas ng reyna ang nuo ng mga batang ngayon ay nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog. 

Halos mamanhid ang puso ng dalaga sa sakit dahil sa nakikitang kalagayan ng mga ito.

 

' simula ngayon hindi na kayo mag iisa..  Kasama niyo na ako.  Ako ang tatayong pundasyon para magkaroon kayo ng mga bagong pangarap. . Ang ang magiging ilaw niyo sa dilim ng nakaraan,  ako ang gagabay sa mga desisyon at gusto niyo sa buhay..  Susuportahan ko kayo na para bang sarili kong mga anak. '

**

Her POV

Madaling araw nang naalimpungatan ako sa pagtulog.  Nakatulog pala ako sa upuan habang binabantayan ang dalawang bata. 

Tumingin ako sa pambisig kong relo at ganun nalang ang gulat ng makitang halos mag aalasais na pala ng umaga..  Lagot ako kay erik..  Hindi ako nag paalam,  mas lalong lagot ako dahil hindi ako umuwi. 

Napapakamot nalang sa ulo kong kinuha abg teleponong ibinigay niya sa akin.. 

Napakaraming mensahe ang nakalagay roon.  Halos mapakagat labi ako ng bigla na namang tumunog yun. 

Hindi ko manlang napansin natumawag pala siya. 

" erik...  " sabi ko ng sagutin ko ang tawag.  Wala akong naririnig kundi mabilis at malalim na paghinga. 

" erik—"

" where the hell are you!!! "

Bumalik ang kaninang kirot sa aking dibdib sa tono ng pananaalita ni erik.  Puno yun ng pag aalala at takot. 

Kasalanan ko to..  Masyado akong nag alala sa mga bata na nakalimutan ko nang magpaalam at ipaalam kung nasaan ako. . ...

" erik..  " mahinahong tawag ko sa kanya sa kabilang linya..  " nandito ako malapit sa pinagtatrabahuhan mo..  Dun sa likod kung sa maraming maliit at sira sirang bahay..  " pinilit kong maging kalmado,  dahil sigurado akong pag makipagsabayan ako kay erik walang patutunguhan ang pagtatalo namin. 

" fuck!!  Hindi mo ba alam na delikado sa lugar na yan?!  Bakit iniwan — nevermind!  Wait me there!  "

Tinignan ko ang teleponong kanina lang ay tunog ng tunog,  ngunit ngayon ay namamayani na naman ang katahimikan sa loob ng bahay. 

Wala pang sampung minuto ng makarinig ako ng nagkakagulo at nag sisigawang tao.

Anong nangyayari?! 

Eto na ba ang kinatatakutan ko?!

Naputol ang lahat ng pangambang namumuo sa aking isipan ng pabalyang bumukas ang pintuan at iniluwa nun si erik na hinihingal at halatang sabik na makita ako. 

Hindi na siya nag aksaya ng oras at agad na lumapit sa akin.  Mainit na yakap ang kanyang ibinungad at nanatiling tahimik.

Walang imik siyang nanatili sa aking bisig na para bang pinakikiramdaman niya ako. 
Marahan kong tinapik ang kanyang likod saka ito hinagod nang maramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang mga balikat.. 

Umiiyak siya.. 

Nag alala siguro talaga siya sakin ng husto.. 

" okay lang ako erik..  Wag ka ng umiyak..  "

Innocence Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon