CHAPTER 18: FAMILIA

2K 63 1
                                    

Author's POV

Kung dati'y ang pagdating ng reyna ang nagbigay liwanag at pag asa sa kanila ,  ngayon naman nadagdagan nang dalawang anghel ang kanilang tahanan.. Ang magiging sandalan ng hari at reyna sa oras ng kagipitan.. Ang magiging pintuan patungo sa tamang daan. 

Her POV

Tanghali na ng magising ako sa sumunod na araw.  Wala narin si erik sa aking tabi kaya tanya ko'y nakababa na siya..  Huminga ako ng malalim bago tumingin sa hawak kong salamin,  itinaas ko ang aking buhok saka itinapat ang salamin sa aking batok, halos manginig ako sa kaba at takot nang mapagtanto ko kung ano ba talaga ang pakay nila sa akin.. 

Isang simbolo ang nakaukit sa aking batok hindi ganun kalaki kaya't mahirap mapansin lalo na't palaging nakalugay ang aking buhok. Isang agilang napapalibutan ng anim na bato , hinaplos ko ito bago naguguluhang ibinaba ang salamin saka tumungo.. 

Hindi ko alam angibig sabihinng simbolong iyon pero isa lang ang alam ko..  Ako ang magiging dahil kung bakit dadanak na naman ang dugo..  Kung bakit magkukulay pula ang dagat..  Kung bakit ang dating puting buwan ay magiging pula..  At kung bakit lahat ng mahal ko sa buhay ay tuluyang mawawala.. 

" hanggang kailan ko itatago sa kanya ang pagkatao ko! " hindi ko mapigilan ang pag agos ng aking mga luha,  ni hindi ko manlang naramdaman ang pagdating ng taong kailangang kailangan ko. 

" hime...  "

Puno ng luha akong tumingin sa kanya,  bago tumakbo at yakapin siya ng mahigpit. 

" k-kuya... Kuya,  hindi ko na kaya...  "

" shhhh hime " hinimas niya ang aking likod habang sinusuklian ako ng mahigpit na yakap.  " i'm  sorry hime..  I'm sorry,  pangako hindi kita iiwan..  Sasamahan kita sa laban na to kahit itaya ko ang sarili kong buhay...  "

Naguguluhan akong tumingin sa kanya bago kumalas sa . Matalim ang tingin na iginawad ko sa kanya bago tumalikod.  " bakit ako?!  Bakit ako ang kailangang magbayad?!  Wala ba akong karapatang maging masaya kuya!? Wala ba akong karapatang bumuo ng sarili kong pamilya ? Bakit kailangang ako...  Bakit ako?!!!! "

Hindi ko ininda ang hapdi ng aking mata dahil sa pag iyak.  Ni hindi ko maramdaman ang sariling dibdib dahil sa pamamanhid niyon. 

" hime!!  Ikaw lamang ang makakapagligtas sa anim na nasyon...  Ikaw lamang ang makaka pag pa tigil sa ginagawa nila!  Ikaw ang nararapat na humawak ng tronong iyon hime!  Dahil ikaw mismo ang eagle...  Ikaw mismo ang kailangan nila para mabuo ang sarili nilang mundo.. At para tuluyang makuha ang anim na nasyon "

A-ako?..

Ako ang eagle?!  Ako ang dahilan kung bakit namatay ang aking mga magulang..  Kung bakit namatay si na na..  Ang mga taong tapat na nag lilingkod sa pamilya LENOXX ay namatay ng dahil sa akin. 

Tumigil ang pag agos ng luha sa aking mata at halos hindi ko na magawang umiyak pa , para bang bigla nalamang nagsara ang aking isipan sa nalaman.  Lahat ng aking emosyon ay biglang nawala at napalitan lamang ito ng lungkot.  Lungkot dahil sa pagiging inutil ko...  Lungkot dahil sa wala akong nagawa..  At galit sa mga taong nanamantala sa akin..

" hime...  Hindi ako makakapayag na makuha ka nila..  Kasama mo ako!  Ako at si craigh! "

Tila natauhan ako sa kanyang sinabi..  Si erik?  Hindi pwede!

Innocence Where stories live. Discover now