CHAPTER 9: AFTERMATH

3.1K 101 1
                                    

Author's POV

( kinabukasan)

Naging tahimik ang buong mansyon pag kasapit ng umaga..  Walang nag tatakang magkwentuhan tungkol sa nangyari kahapon. Lahat sila ay balisa at parang wala sa sarili. 

" kumain ka muna anak magigising din siya,  masyado lamang napagod ang kaniyang katawan ." pinilit ng dating reyna na pakainin ang hari ngunit iling lamang ang isinukli ng binata at nananatiling nasa dalaga ang tingin habang mahigpit na nakahawak sa kanyang kamay. 

Bumuntong hininga ang dating reyna saka naupo sa tabi ng kanyang anak. 

Hinagod nito ang likod ng binata saka marahang isinandal ang ulo sa balikat ng hari.  Parehas silang nakatingin sa dalaga nag antay kung kailan nito imumulat ang mata. 

Matagal na panahon na nang huling makapiling ng dating reyna ang anak ng ganito..  Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o malungkot.

Natutuwa dahil unti-unting nag babago ang anak ngunit nalulungkot dahil sa mga pinag dadaanan nito. 

" mom..  Is she going to leave me? " mahinang tanong ng lalaki sa kanyang ina.  Puno ng takot at pangamba ang boses nito. 

Umayos ng upo ang ginang saka tinignan ang anak na nasa dalaga parin ang paningin. 

Marahang umiling ang ginang saka ngumiti " hindi niya gagawin yon anak..  Sa nakita ko kagabi sa nasaksihan ng dalawang mata ko parang siya pa ang natatakot na iwan mo siya..  Puno ng pag aalinlangan at sakit ang mukha ni zue bago mawalan ng malay,  ngunit ang tanging huling sinabi niya ay ' I accept you' so no hindi ka niya iiwan" ngunit ang dating reyna sa kanyang anak. 

Tumingin ang lalaki sa ginang na bara bang isa siyang batang paslit na takot maiwanan sa loob ng paaralan..  Takot maiwang mag isa. 

Niyakap ng ginang ang kanyang anak saka umagos ang luhang kanina pa niya pinipigilan..  Puno ng pag mamahal na ibinalik ng binata ang yakap ng ina na matagal niya ng hindi nararanasan. 

Habang magkayakap ang dalawa hindi nila alam na sa likod nilang dalawa umiiyak ang dating hari sa sobrang kagalakan dahil sa nasaksihan. 

" erik...  " ang tanging ingay na bumasag sa tahimik na paligid. 

Agad na naalerto ang binata saka mabilis na kinuhang muli ang kamay ng kanyang anghel. 

" yes baby? Do you need anything?  Nagugutom kaba?  Nauuhaw?  " nag aalalang tanong nito. 

Marahang umiling ang dalaga saka tipid na ngumiti. 

" patawad sa mga nasabi ko kagabi erik..  Hindi .. Hindi ko sinasadya.. " biglang umagos ang luha sa mga mata ng reyna dahil sa pagsisisi .

Agad namang pinunasan ito ng hari saka mahigpit siyang niyakap. " no..  You didn't do anything baby,  hindi mo kailangang mag sorry.  Ako dapat ang humihinga ng sorry kasi hindi kita natulungan,  hinayaan kitang mangyari ang mga bagay na yun sayo " hinagpis ng hari. 

Umiling ang dalaga saka hinawakan ang pisngi ng binata.  " hindi pa tayo mag kakilala nung mga panahong iyon erik..  Hindi mo kasalanan ang lahat..  Kasalanan nila yon.. Hindi ikaw"

Tumango ang binata na para bang naiintindihan niya ang nais na iparating ng reyna ngunit sa kanyang isip sarili parin niya ang kanyang sinisisi. 

" nagugutom kana ba? " biglang tanong ng hari matapos mamayani ang katahimikan kanina.

Marahang tumango ang dalaga saka sinimulang bumangon ngunit agad siyang pinigilan ng ginang at ng binata. 

" iha kailangan mo pang magpahinga dadalhin ko nalamang ang pagkain mo rito okay?  Rest.. " ngumiti ang ginang bago iniwan ang kanyang dalawang anak.. 

Innocence Where stories live. Discover now