CHAPTER 11: DATE

3.1K 91 2
                                    

Her POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Her POV

" ang kwintas na ito ay mahalaga sa akin.  At sa nakikita ko mahalaga rin ito sayo kaya sayo ko na ipagkakatiwala ang pag aalaga sa emblem na ito, alam ko hindi ko pa magawang sabihin sayo ang lahat..  Dahil maski ako hindi ko alam kung ano bang dapat kong malaman..  "

Tiwala..  Ang salitang tanging namumukod sa kanyang mga mata..  Puno ng tiwala at paniniwala.. 

Gusto kong umiyak sa sobrang saya at kalungkutan..  Ang saya ko dahil ngayon nakahanap narin ako ng taong dapat kong pagkatiwalaan,  ngunit sa isang banda ay nakakalungkot rin kung kailangan ko siyang iwan.. 

" baby you need to take a bath para narin makakain ka..  "

Tumango ako sa kanya saka pumasok na sa loob ng paliguan.. 

Halos hindi ko maramdaman ang lamig ng tubig na umaagos sa aking mukha pababa sa aking katawan dahil sa mga bagay na nagbibigay gulo sa aking isipan. 

Simula noon lagi kong tinatanong sa isip ko , ' bakit sabik silang mapasakamay nila ang eagle..  Anong mangyayari pag napunta ito sa kanila..  ' sigurado ako..  Masama ang hangad nila dahil kung hindi,  hindi nila magagawang pumatay ng inosenteng tao at tanggalan ng pagkabata ang kagaya ko... 

Mabigat ang aking pakiramdam ng matapos ako sa paliligo halos hindi ko nga napansin kung gaano ako katagal sa loob kung hindi pa ako kinatok ng kung sino . 

" miss zue..  Ako po si joanne ang nakaatas na mag aayos po sa inyo ako rin po ang personal stylist mo. "

Ang ulo niya ay bahagyang nakayuko upang magbigay galang at halata rin sa kanya ang kabang nararamdaman. 

Marahan akong lumapit sa kanya saka itinaas ang ulo niya. 

" hindi mo naman kailangan magbigay galang sakin..  " ngumiti ako saka naupo sa harap niya.  " parehas lang naman tayong tao..  Walang mataas o mababa,  walang mayaman o mahirap.  "

Kita ang pamumula sa kanyang pisngi saka muling nag baba ng tingin.  Huminga ako ng malalim saka hinaplos ang napakagandang damit sa aking tabi.. 

Napaka elegante nitong tignan at halatang yari sa mamahaling tela. 

" hindi po maaari ang gusto niyo miss zue..  Kasintahan po kayo ni sir.  Nararapat lamang na magbigay galang sa nakakataas.  " nakangiti niyang pahagya ngunit halata parin ang pagkailang. 

" kasintahan? "

Bahagya siyang tumango saka nagtungo sa mesa na puno ng palamuti para sa mukha at buhok. 

" oho..  Ngayon lang namin nakita ang mga kakaibang ngiti ni sir craigh,  at lahat iyon ay dahil sa inyo.  Kaya masaya kaming ginagawa ang trabaho namin,  ang pagsilbihan kayo.  "

Nakakataas nga ba ako?  Kami? Hindi ba pwedeng lahat kami ay pantay pantay ?

Hindi ba ngumingiti si erik para manibago silang lahat?

Innocence Where stories live. Discover now