Chapter 3

26 3 0
                                    

A/N: Ano nga ba dapat ang sasabihin ko? (Loading si Brainy so... ano nga ba?) Ahmmm, in this chapter, may mga lines dito na hango talaga sa totoong conversation between me, Senyora, Pañera, Moon and Master Ada (green subjects that will enhanced our "imaginations"... Virgin pa kami, peksman. Mahalay lang talaga ang mga utak namin kaya nagkakasundo kami, hahaha! ) Sorry for the poor pictures kung hindi masyadong akma sa mga scenes. It's just that nagagandahan talaga ako sa kanila. Hehe ....) 

She was not in the mood. Hanggang ngayon kasi binabagabag pa rin siya do’n sa stint nila ng Nathan na iyon. Hindi rin niya alam kung paano ipapaliwanag sa mga kaibigan niya ang mga nangyari. They bombarded her phone with nonstop text messages and calls pero ni isa wala siyang sinagot or ni-reply-an. Pero bukas panigurado wala na siyang takas. Hindi rin siya puwedeng umabsent dahil  bawas iyon sa points, so it’s either she has to face them and answer all their interrogations or to just sulk herself in a corner. Bakit ba ang malas, malas ko? Wala naman akong balat sa puwet. Really fate, what’s there in me that you are so against with? Lagi na lamang akong nalalagay sa alanganin. Haay! Ano na ang gagawin ko? That scene na paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ay ng halikan siya ng unggoy na ‘yon. She hasn’t been kissed therefore Nathan was her first kiss at sa kasamaang-palad hindi niya ito boyfriend. Madapa sana ang bakulaw na iyon!

XXX-XXX-XXX-XXX-XXX

MONDAY (09:00 AM)

Saan ba siya dadaan? Sa main gate, first, second, or third? Either of those choices, wala pa ring assurance na may mga estudyanteng hindi pa nakakaalam sa mga nangyari last Friday. But she has no choice. Kung gusto nyang pumasok, kailangan niyang kapalan ang mukha niya. So, with renewed strength she walked inside the school premises. Every step, she made sure that she’s aware with her surroundings para alam niya kung ano ang iniisip ng mga ibang estudyante sa kanya ng hindi namamalayan. May mangilan-ngilan na nakatingin sa kanya anad some were even talking behind her back.

“Siya ba iyong nasa video? Ang halay naman! Mga imoral!”  Aray ko! But wait. Did she say ‘video’? Syet kalat na nga!

“Ang swerte niya hinalikan siya ni Nathan. Ako nga hanggang pagpapa-cute lang.” Swerte? Ako swerte? Hibang ba ang babaeng ito? Hello! Ng dahil sa impaktong iyon kaya nangyayari ito sa akin ngayon.

“Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ka ng isang Nathan Dela Cerna? Eeeeeeeee ! Heaveeen!” Heaven? Abnormal ba ang babaeng ito? Hindi ba nila alam na masama ang ugali ng taong kinahihibangan nila? Now I believe that this world is full of witless git. Nasa labas na siya ng classroom nila and she’s twenty-five minutes late, lagpas ng ten minutes sa time limit ng school policy. Pero nandito na rin lamang siya, she might as well face it. She cleared her throat and try to gain her cool composure as if nothing's wrong. She opened the door and automatically all eyes were on her.

“Good morning, ma’am. Sorry, I’m late.”

“Miss Villafuerte, you're too early for the next class.” Hindi siya sumagot, her classmates just laughed and her ever supportive friends na classmate niya sa subject na iyon gave her a look that says; “YOU OWE AS AN EXPLANATION BY HOOK OR BY CROOK.” Haaay! Sabi na nga ba’t mangyayari ito. Damn you Nathan!

“Okay, you may take your seat. Pagbibigyan kita ngayon since first offense mo pa lang naman ito.”

“Thank you, ma’am.” She took her seat beside Ada at agad naman siya nitong inusisa tungkol sa nangyari. Naki-usisa na rin ang iba pa niyang kaibigan na ikinainis niya pa lalo. “Pwede ba mamaya na after class?” she whispered pointedly. Pero ayaw talagang paawat ang mga ito kaya  pumunit ng  isang kapirasong papel si Vaje at may isinulat tapos ipinasa niya iyon kina Rizelle, Ada at Ruby para isulat na rin ng mga ito ang tanong nila para isang bagsakan na lang lahat and finally, the paper reaches on her hands sabay basa sa mga nakasulat.

My Revengeful HeartWhere stories live. Discover now