Flashback (Continuation)

39 3 0
                                    

“Bro, congratulations. As usual pasok ka pa rin sa rankings.”

“Thanks, bro. Congrats din sa iyo.”

“Nah, as usual pangalawa pa rin ako iyo. Ano ba ang secret mo? Share mo naman.”

“Wala naman. Sigurado mas determinado lang ako kesa sa iyo.”

“Oy, Gino congrats. Ibang klase talaga iyang kamandag mo, hindi mamatay-matay.”

“Bakit top four ka lang, Ross? At kung makapagsalita ka para kang leader ka ng isang gang. Tell me, tomboy ka ‘no?”

“Ano? Sa ganda kong ito iniisip mo na T-boom ako? Nakakasakit ka na sa bangs ko ha. Well my dear, ganyan talaga ang versatile na tulad ko, nag e-evolve. At itong pagiging top four ko, pinagbigyan ko lang kayo.”

“Hey loveeys, have you heard the news?” singit ni Beauty.

“About what?”

“About Star.”

“Ah. Nasa guidance office na naman ba ang babaeng iyon? Nakick-out ba siya? O, mabuti iyon at ng bumalik naman sa dating ayos itong school.”

“Kung makapang-husga lang ano. Gino, huwag naman ganyan. Wala namang ginagawang masama sa iyo si Star. Bakit ‘di mo subukang kaibiganin siya, baka magbago ang tingin mo sa kanya.”

“Me? Make friends with Star? No. Mas haragan pa ngang kumilos ang babaeng iyon kesa sa akin eh.  Parang hindi babae kung kumilos. I wonder kung may laman ang kukote niya. She’s just lucky ‘coz she’s got the looks and the wealth. But other than that, she’s nothing.”

“What did you say?”

“Na hindi siya babae kung kumilos. Para siyang maton. Bakit ganyan na lang ang mga reaksiyon ninyo? Hindi naman na bago sa inyo iyon ‘di ba? Kasi halos naman lahat ng students dito gano’n ang tingin sa kanya. “

Star’s POV ……………………………………………………………

Kakalabas niya lang ng Principal’s office. She doesn't how it happened pero nabigla na lang siya ng tinanong siya ng principal na kung pwede na siya ang mag represent sa school nila para sa inter-school competition for musicale, in exchange for her good moral character. Alam niya kung sino ang may pakana ng lahat ng ‘to –si Mrs. Ignacio. Kung iyon ngang pagpayag niya na maging representative ng section nila para sa Senior’s Ball nahihirapan siya ito pa kayang inter-school competition? She was still blabbering in her head when she heard someone talking about her. Actually she  doesn’t give a damn about what other people say. But this one is not an exemption. She don’t  deserve this kind of treatment, so she talked.

“What did you say?”

“Na hindi siya babae kung kumilos. Para siyang maton. Bakit ganyan na lang ang mga reaksiyon ninyo? Hindi naman na bago sa inyo iyon ‘di ba? Kasi halos naman lahat ng students dito gano’n ang tingin sa kanya. “

“Ano’ng tingin nila sa akin?”

“Na hindi ka matalino. Na –“

“Na ano? Why did you stop? Marami ka pang sasabihin ‘di ba? Sabihin mo na.”

“S-Star, ah p-pagpasensiyahan mo na sana ang mga sinabi ni Gino. You know … pissed off.”

“Don’t bail him out, Earl because surely he knows how to defend himself. He’s not that dumb  right Gino?”

It took all her might not to punch the bastard’s face. Sobrang nangagalaiti ang loob niya sa mga narinig niya mula sa rito. How dare this guy judge me hastily? Pero ‘di ba ikaw na rin ang nagsabi na wala kang pakialam sa kung ano ang iniisip ng ibang tao sa iyo? So bakit ka nagagalit ngayon? 

My Revengeful HeartWhere stories live. Discover now