Chapter 1

32 3 0
                                    

"Naman, Star!" angal ng kaibigan niyang si Rizelle. "Sa dinami-raming produkto na puwede mong ibenta, bakit Burial Insurance pa?"

"Alangan namang mamili ako ng ibebenta?"

"Paano ka ba napasok sa trabahong iyan?" tanong ni Ada.

"Ini-refer ako ni Marichu. Sinabihan ko kasi siya na kapag may alam siyang job opening i-refer niya ako, so iyon."

"Mahihirapan kang makahanap ng kliyente niyan. Maghanap ka na lang ng ibang trabaho." ani Ruby.

"Nagawa ko na iyan, kaso hanggang ngayon wala pa ring tumatawag. Wala ba talaga kayong kakilala na balak kumuha ng insurance?"

"Wala. Sino ba namang matinong tao ang kukuha ng Burial Insurance at paghandaan ang araw ng kanyang kamatayan? Pero may kilala akong tao na sa tingin ko napapanahon  na para kumuha ng insurance."

"Sino?"

"Si Vaje."

"Si Senyora?"

"Isipin mo, she's an activist. Everytime na nagkakaroon ng major event ang bansang ito lagi siyang laman ng lansangan tungkol sa mga anomalya sa pamamalakad ng gobyerno. Tapos bukas laman na siya ng mga tabloids at broadsheets. For sure sa ginagawa ni Vaje, marami siyang death threats na natatanggap." 

“Star,” singit ni Rizelle. “It’s really inappropriate na sa amin mo i-offer ang ganyang klaseng insurance, ‘coz really it’s absurd tapos ansama pang pakinggan. Marami ka pa namang sideline ‘di ba? So why don’t you just  focus on it? Or much better, bawasan mo na ang mga sidelines mo kasi pumapangit ka na.”

“Hindi ako pangit ‘no! Stressed lang ako.”

“Kaya nga.” Sabi ni Ruby. “Sa dami ng trabaho mo napapabayaan mo na ang sarili mo.”

“Kasi nga ‘di ba kailangan kong kumita?”

“Eh, bakit mo ba kasi pinapahirapan ang sarili mo? Why don’t you just go back to your dad, ask for his forgiveness, and live like a princess again para hindi na sumasakit ang mga mata namin sa tuwing nakikita ka naming kumakayod.”

Ruby just hitted the button.  But no. Hindi muna siya babalik hangga’t wala pa siyang napapatunayan. Besides, ginusto niya rin naman ang nangyaring ito sa kanya, though sa hindi nga lang sa inaasahan na pagkakataon.  And maybe, it was God’s way in telling her that it was the right time. “Thank you sa advice mo ha?” she smirked.

“Haaay! Bahala ka na nga. Kaya walang guy na lumalapit sa iyo kasi bukod sa busy ka, laging pera ang nasa isip mo.”

“Natural. Kailangan ko ng pera para mabuhay. Saka na ako lalandi kapag well-off na ako. Isa pa, lalaki lang iyan, marami pa akong makakasalamuhang kalahi ni Adan.”

“But what if, sa sobrang busy mo hindi mo na namalayan na dumaan na pala sa buhay mo ang “The One” mo? Paano na iyan?” tanong ni Rizelle.

“Iyan. Umiiral na naman ang pagiging romanticist mo kaya ka laging bigo.”  

Binato siya nito ng tissue. “Sumagot ka ng maayos kung ayaw mong ipagahasa kita at wag mong pakikialaman ang nananahimik kong love life.”

Natawa siya. Sa kanilang lima, hindi man halata sa hitsura ni Rizelle, pero ito ang pinaka-vain sa kanila pagdating sa usaping pampuso, kaya madalas itong nasasaktan or much better na tawaging bigo.

“But, seriously Star,” singit ni Ada. “What if nga na dumaan na sa buhay mo ang “The One” mo but you just didn’t take notice, ano na ang gagawin mo?”

“Eh, inulit mo lang ang tanong ni Rizelle, eh.”

“Wag kang epal at puwede ba walang basagan ng trip. Ngayon sumagot ka kung ayaw mong tuluyan kitang i-ban dito sa office.”

My Revengeful HeartWhere stories live. Discover now