Chapter 2

37 3 2
                                    

She was in the student’s lounge with Ruby and Vaje making a reviewer para sa gagawin niyang test sa estudyante niya sa darating na Sabado. Natigil siya sa ginagawa niya ng makarinig siya ng impit na tawanan at bulong-bulungan ng mga ilang estudyante na naroon. Even Vaje and Ruby was just staring at someone at sinundan niya ang direksiyon  kung  saan nakatingin ang mga ito and found out it was Ada with her stunning-blind-shimmering glow in the dark outfit.  “Ano iyan?” tanong nito ng makalapit sa table nila.

“Reviewer para sa estudyanye ko.”

“Oh. High school?”

“Oo.” Tapos tinignan niya ito at ang suot nitong glow in the dark outfit. “Lumayo-layo ka nga sa akin. Sumasakit ang mata ko diyan sa suot mo eh.”

“Why, what’s wrong? Ang ganda kaya ng suot ko.”

“Yeah, sa sobrang ganda ng suot mo mukha ka ng christmas tree na napapalibutan ng maraming christmas lights.” She said sarcastically. “Ano ba yang drama mo at ganyan ang suot mo?”

“This is fashion!”

“Fashion? Fashion ang tawag mo diyan? Tirik na tirik ang araw tapos iyan ang suot mo? Kahit sinong estudyante rito pagtatawanan iyang fashion sense mo.”

“Subukan lang nila. Ipapalapa ko sila sa iyo.”

“At bakit ako?”

“Dahil siniraan mo ang fashion sense ko.” Tuluyan ng natawa ang mga kaibigan nila na halatang kanina pa nagpipigil ng tawa.

“Bakit ba?!”

“Kasi naman Ada, iyang suot mo.” Sagot ni Vaje. “Ano ba ang nakain mo at iyan ang suot mo?”

“Fine, I give up! Natalo ako sa pustahan.”

“Pustahan?”

“Oo. Natalo kasi ang bet kong kabayo and meaning to say, natalo rin ang crush kong si Earl.”

“So 'yan ang consequence ng betting game ninyo.” Ani  Ruby. “Well, I think that will teach you a lesson.”

“Oo na kaya huwag niyo na akong pagtawanan.”

“Sino ba ang kapustahan mo?” tanong ni Vaje.

“Si Ynna.”

“Numero unong sugarol ang babaeng iyon bakit mo pinatulan?”

“Kasi nga sinisiraan niya ang irog kong si Earl. Alangan naman na hayaan ko lang siya na hamakin niya ang mahal ko.”

“Magkano ang talo mo?” tanong niya.

“Five hundred.”

Binatukan niya ito. “Aray naman!”

“Sira ka! Kung ipinangkain mo na lang sana ang five hundred pesos na iyon e, di sana lahat tayo busog ngayon.”

“Iyon na nga eh. Ang plano ko, kapag nanalo ako ililibre ko kayo.”

“Ang kaso talo ka.”

“Oo na. Nasaan si Rizelle? Bakit hindi niyo siya kasama?”

“May date raw siya kaya kailangan niyang magpaganda,” sagot ni Vaje.

“Date? Sino?”

“Don’t know. Hindi niya sinabi ang pangalan no’ng guy eh.”

“Gano’n ba. Saan tayo ngayon? “

“Sa Vikings!” sagot ni Ruby.

“Sapak, gusto mo?”

“Sabi ko nga huwag do’n.” sagot nito na ikinatawa nila ni Vaje.

Pumunta silang school cafeteria para mag lunch dahil tamang-tama gutom na rin siya. She was eating with gusto dahil sarap na sarap siya sa kanyang kinakain.  

My Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon