Flashback (Continuation)

37 3 0
                                    

Meaning to say natalo ko si Gino? May mangilan-ngilan na nag-congratulate sa kanya but there were still others who despised her especially now na natalo nga niya si Gino. And it would only mean that things will not be much easier than they were before.

“Congratulations, Star.” Sabi ni Earl. “Tara, snack tayo don’t worry treat ko.”

“T-thank you.” Pero bago pa sila tuluyang makaalis, kinuha ang atensiyon nila ng isa sa mga member ng IT Girls.

“Hey you!” Tinawag siya ng isa sa mga member na kasapi sa kulto nina Janet at Fritzie. “Bakit mo inagawan ng titulo si Gino? For all we know, nag-cheat ka para nga naman matalo mo si Gino dahil alam mo sa sarili mo na hindi mo siya kayang talunin.”

“Paki-ulit nga ng sinabi mo? At bakit ko naman gagawin ‘yon?”

“Isn’t it obvious? Para matalo mo siya.”

“Lynette,” singit ni Earl sa usapan. “I was there so imposible iyang ibinibintang mo. Bantay sarado kaming mga examinee so walang magiging loophole.”

“No, Earl! She cheated. Imposibleng makapasa siya. She’s not smart so how come na natalo niya kayo? See? There’s something wrong.”

I’m not smart? Eh kung ipamukha ko kaya sa bruhang ‘to kung sino sa aming dalawa ang bobo? “Excuse me, bakit affected ka? Kaano-ano ka ba ni Gino at ganyan na lang katindi ang galit mo dahil lang sa natalo ko siya? Are you his girlfriend? No? Eh, bakit ganyan ka na lang kung maka-react? Huwag kang masyadong feeler, girl lalo na’t hindi ka naman significant sa buhay ng taong kinababaliwan mo. Pathetic!”

“Star, huwag mo na lang patulan.” Sabi sa kanya ni Earl.

“No. Kung ano-ano ang pinagsasabi sa akin ng babaeng ito alangan namang palampasin ko lang?”

“Sa ginagawa mong iyan binibigyan mo lang sila ng dahilan na maniwala na totoo nga ang hinala nila sa iyo. C’mon, let’s leave here para wala ng gulo.” Sumunod na lang siya para maiwasan ang gulo na maaring mabuo lalo pa at mainit ngayon ang mga mata ng ilang estudyante sa kanya. Dinala siya ni Earl sa Evertime. Maganda ang ambiance ng lugar plus the aroma of brewed coffee and newly baked bread. May mga nakadikit sa designated wall posts na mga sticky notes with words of love on it. May mangilan-ngilan ring customers na iyong iba kung hindi man magkaibigan, eh lovers, and clients.

“Do you like the place?”

“Oo. Ang bango ng kape.” He smiled revealing his dimples and pearly white teeth.

“I’m glad you like it. Ano ang gusto mong kainin?”

“Nago-offer ba sila ng food?”

“Oo. At first aakalain mong this is just a plain coffee shop, pero part iyon ng marketing strategy ng may-ari nito. So ano ang gusto mong kainin?”

“Anoba ang pinakamahal dito?”

Tumawa ito. Funny,pero hindi kasing ganda ng tawa nito ang tawa ni Gino. Hey.stop right there! Paanong nasingit na naman si Gino sa usapan? Erase! Erase!

“Lahat ng pagkain dito mahal. You just have to choose one.”

“Wala akong alam sa mga pagkain dito. Kung ano ang kakainin mo iyon na lang din ang sa akin.”

“Okay, if you insist.” Um-order na ‘to. Until now, nagtataka siya kung bakit mabait sa kanya si Earl, though wala naman siyang natatandaan na pinakitaan niya ito ng kabutihan, though hindi naman masama ang aura niya rito. Guwapo rin ito at halatang may kaya sa buhay.  Pagkatapos nitong sabihin ang order nila ay tumingin ito sa kanya.

My Revengeful HeartWhere stories live. Discover now