Flashback (Continuation)

28 4 0
                                    

Graduation day is fast approaching and one month to go at magtatapos na siya. After ng incident doon sa cafeteria, wala ng nagtangkang umaway sa kanya though may mangilan-ngilan pa rin na tinitignan siya ng masama. Aaminin niya na somehow na-relieve siya sa ginawang pagsaklolo ni Gino. It was nice of him to help her sa kabila ng kagaspangan ng ugali niya. Funny, noong una asar na asar siya kay Gino dahil sa mga sinasabi nito sa kanya at sa sobrang bilib nito sa sarili nito. And now, parang unti-unting nag-iiba ang tingin niya rito. Nasaan kaya siya ngayon? She was heading towards the secret door papuntang attic. Hanggang ngayon nagtataka pa rin siya kung bakit may secret door doon. Kung titignan mo sa labas, hindi mo aakalaing may attic pala sa library. Pumasok na siya sa loob. She’ll gonna miss this place. In just a short span of time, naging stress reliever ang attic na ito sa lahat ng hang-ups niya sa buhay. She felt like crying pero bago pa tumulo ang luha niya, nakita niyang nakadungaw ang mukha ni Gino sa siwang ng pinto. He smiled and said ‘congratulations.’

“O, bakit?” tanong nito.

“Bakit ka nandito?”

“Para i-congratulate ka.”

She felt heady with warmth delight but tried with much effort to ignore his presence. “Huwag ka ngang plastic.”

“Totoo ang sinasabi ko. Actually, the other day pumunta ako dito para i-congratulate ka kaso wala ka naman dito. Nasayang lang ang donuts na binili ko.” Nagtatampo ba ito? Duh! Assuming ka na naman 'teh!  

Gino’s POV ……………………………………………………………………………………………………..

Nasa attic siya ngayon with Star. Without seeing her for a few days was restless or he thought it was. But now, seeing Star again leaning her head beyond the window pane, with her long raven black hair being swayed by the wind, he was relieved. Akala niya kasi hindi niya na makikita ito rito sa attic. For a moment, he just stared at her and lingers on her pretty face. Wait! Did he really say she’s pretty? Realizing he really said it napangiti na lamang siya. In just a short time, Star was able to waken strange feelings within him. Hanggang sa nakasanayan niya na laging kabangayan ito, ang pambabara nito sa kanya, at ang tuwa na nararamdaman niya kapag napipikon ito. Napansin niyang tahimik ito at hindi man lang namalayan ang presensiya niya kaya siya na mismo ang bumasag sa katahimikan. 

“Congratulations.” Pero wala itong anumang sinasabi. Nakatingin lamang ito sa kanya which is unusual. Sa tuwing nakikita kasi siya nito, busangot ang unang isinasalubong nito sa kanya. “Bakit?”

“Bakit ka nandito?”

“Para i-congratulate ka.”

“Huwag ka ngang plastic.”

“Totoo ang sinasabi ko. Actually, the other day pumunta ako dito para i-congratulate ka kaso wala ka naman dito. Nasayang lang ang donuts na binili ko.” For a second, she just stared at him blankly.

“Star, are you okay?” Hindi ito sumagot. Ibinaling lang nito ang atensiyon nito sa labas ng bintana. It seems like she was absorbed with her own thoughts or baka it was a sign na ayaw talaga nito sa kanya.  But since na nadito na rin siya, might as well ipagpatuloy na lang niya, tutal malapit ng matapos ang school year at ito na ang huling pagkakataon na matitikman niya ang kamalditahan nito.  

“A penny for your thoughts?”

“Peso is the right word.”

“Well, if you refer it to a coin, pwede na ring penny ‘yun. Isa pa, ang pangit kaya ng "A peso for your thoughts?" Ang baba ng value.”

“Nasa Pilipinas ka, maging makabayan ka naman kahit minsan.” Natawa siya. Did she cracked a joke? Looking at her facial expression parang hindi naman.

My Revengeful HeartWhere stories live. Discover now