Kabanata 5

208 11 1
                                    

Hunter Constello

Because of the upcoming event and we, the seniors will lead it, we often don't have classes. So Gohan and I met today in the park near the school soccer field para ibigay sa kanya 'yong pagkain.



Kahit tanghali na, hindi pa rin naman mainit kasi maraming puno sa paligid at saka mahangin pa kaya masarap tambayan dito.



Hindi naman pala gano'n kahirap ang kapalit na gusto niya kaya sumang-ayon na rin ako.



Halatang halata sa mukha niya ang pagkatuwa at masasabi kong nag-enjoy nga talaga siya sa okinawa milk tea na binili para sa kanya.



"Sabi ko sayo okinawa lang, bakit may pa corn dog pa?" Hindi naman siya nagreklamo kung bakit may pasobra pa akong binili sa kanya, nagtataka lang siya kung bakit dinagdagan ko ng corn dog.



"Bakit? Ayaw mo ba niyan? Hindi ba favorite mo iyan?"



"Oo pero hindi ba, ang kikitain niyo sa booth ay mapupunta sa charity?" paglilinaw niya.



Tumango ako at pinigilan na lang matawa sa reaksyon niyang mukhang na guilty. Feeling ko, iniisip niya 'yong perang ginamit ko pambili ng milk tea at corn dog ay nagmula roon sa kinita ng booth. In fact, I used my own money.



"Do not worry. I used my own money to buy you food. That's just a small thing compared to the help you give."



Napansin ko naman na parang nakahinga siya nang maluwag at saka naglabas ito ng malapad na ngiti sa labi.



I could see that he was happy while eating the corn dog. He really likes it based on the expression on his face, content that even if that's all he can eat every day.



"Paboritong paborito mo talaga iyan ano?" Hindi ko na rin mapigilan na itanong sa kanya 'yon.



"Actually, hindi ko talaga gusto 'to. Nasanay na rin naman since ito ang palaging kinakain namin ni Kath dati, It's not bad, nagustuhan ko na rin kalaunan."

To Love Again [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon