Kabanata 4

201 9 8
                                    

A/N: Don't forget to share your thoughts in the comment section and if you want a quick update, just click vote. It has been a great help to me to recommend this story to your friends.

I hope you will support this story and be part of Hunter and Gohan's journey to love because their story will surely make us cry, thrill, and move. Enjoy reading! :>

- direk_arch

________________________

Hunter Constello

"Marami kaya tayong mabebenta na ticket ngayon?" tanong sa akin ni Nexus.



Nababahala siya na baka konte lang ang mag a-avail ng ticket para sa booth namin at baka raw hindi namin ma reach 'yong target amount na kikitain.



"Oo naman. Siguro dapat magpatulong na lang tayo sa mga kakilala natin so that madali lang ang pagbenta ng ticket."



Tumango naman siya at mukhang sumang-ayon sa aking naisip na paraan. Mahirap kasing magbenta lalo na't maraming booth ang pagpipilian at isa pa, pareho kami ng booth nila Karsyn. Kaya double effort ang gagawin namin dito para na rin malamangan namin ang mayabang na Karsyn na iyon.



"Please, couz! Kailangan namin maubos 'tong ticket ngayon para bawing bawi na kami sa puhunan na ininvest namin sa booth na 'to."



Kaharap ko ngayon ang pinsan na walang ginawa kundi ang mag retouch sa mukha niya. Ayos naman na ang look niya, maganda naman siya, hindi na kailangan pa ng kung anong kulay na ilagay sa kanyang mukha.



"Tamang tama! Madami akong frenny sa criminology. Samahan mo na lang kaya ako?" she said, patapos na rin sa pag-aayos.



Tumango ako. "Sigurado ka ba d'yan?"



"Oo naman. Ako bahala d'yan, couz." She winked.



Nang tuluyang matapos ang pinsan ay pumanhik na kami sa building ng criminology. Naniniwala ako sa mga sinasabi niya since makapal naman ang kanyang mukha at hindi nahihiyang pumansin sa mga hindi kakilala, baka nga tama siya na marami siyang kakilala na roon.



"Alam mo ba na taga criminology ang ka fling ko ngayon?" Kinikilig pa niyang sabi.

To Love Again [BXB]Where stories live. Discover now