Kabanata 2

294 18 6
                                    

Hunter Constello

Sa loob ng halos dalawang taon, hindi ako binigo ni Tob, my boyfriend. Kahit na pasekreto lamang ang aming relasyon, nagagawa niya pa rin ang kanyang tungkulin bilang boyfriend ko and of course hindi puwedeng siya lang ang nag e-effort sa amin. Siyempre, nag e-effort din ako to make things work.



Gano'n naman talaga kapag nagmahal, hindi ba? Effort is essential, hindi puwedeng wala. Kasi kung wala iyon, paano na ang relasyon ninyo? Kahit sa simpleng bagay man lang, ayos na iyon atleast nag effort.



Pinaghandaan ko ang araw na ito since isa ito sa mahalagang araw para sa akin. Mag ce-celebrate kami ng ika-15th monthsary namin bilang mag boyfriend. Kaya maaga na akong dumating sa lugar kung saan namin susulitin ang special na araw na 'to.



Pumasok na lang ako sa isang milk tea shop at nag order ng favorite kong okinawa habang hinihintay si Tob.



"Mag-isa ka lang?" sambit ng lalaking nakatayo sa aking harapan.



Nag-angat ako ng tingin sa kanya para tignan ang kanyang mukha at ganoon na lang din ang gulat ko nang makita si Gohan na nakatayo at hawak ang kanyang tray na may milk tea at corn dog.



"May hinihintay lang." Tipid na sagot ko.



Shuta! Bakit nandito siya? Kung minamalas nga naman oh!



Tahimik na lang akong umiinom ng milk tea kahit hindi ko gusto ang ideyang nandito siya. Paano na kapag nakita niya kaming magkasama ni Tob? Arggh! Ano sasabihin ko?---shit! Oo, nga 'no? Ba't kailangan kong e explain ang side ko sa kanya? E, sino ba siya?



"Sino?" he asked.



Medyo nairita na ako kasi panay tanong siya. Pakialam niya ba sa buhay ko at saka hindi ba puwedeng tumahimik na lang siya?



Ngumiti siya.



Napansin niya siguro na hindi ako kumportable sa pagiging maingay niya kaya napawi ang mga ngiti niya.

To Love Again [BXB]Where stories live. Discover now