Prologue

591 23 9
                                    

PROLOGUE

Maingay sa loob ng Megayon gymnasium dahil sa hiyaw at tili ng mga tao. Umuwi ako para rito, umuwi ako matapos mabili ang ticket ng kauna-unahang concert niya.

Hindi ko maitago ang emosyon ngayon. Habang kumakanta siya sa stage, umiiyak na lang ako at alam ko sa sarili ko na umiyak ako dahil masaya ako para sa kanya. Finally, natupad na 'yong isa sa pangarap niya.

I'm so proud of him!

"I love you, Gohan!" Sigaw ng mga fans niya na umalingawngaw pa.

Narinig 'yon ni Gohan kaya humalakhak siya. Nakakatuwa nga naman ang gano'n. Knowing na maraming humahanga sa'yo, hindi lang sa talentong meron ka but also for being a good person that you are.

Nagpakaselfish ako noon. Sinaktan ko siya at iniwan para lang sa pangarap ko. Ngayong nakuha ko na ang gusto ko na maging ganap na isang sikat na singer - song writer na hindi lang sa Pilipinas kundi ay pati na rin sa ibang bansa ngunit bakit pakiramdam ko may kulang pa rin sa akin?

"Itong sunod na kanta naman ay inaalay ko sa---" saglit siyang natigilan pero agad din namang bumawi, "---babaeng mahal ko," ngumiti siya at nilibot ang tingin sa crowd.

Nagsimulang magtilian ang mga fans sa sinabi niya. Napakurap-kurap naman ako sa narinig.

Ang susunod na kakantahin niya ay para sa babaeng mahal niya?

Napasapo ako sa mukha ko na basang basa na ng mga luha. May girlfriend na pala siya kaya siguro halata sa mukha niya ang saya para sa bagong iniibig. At kung sino man ang babaeng tinutukoy niya, I'm so happy for her!

"The radio's fine
It helps me forget for a while, hmmm...
I look back and recall
Those days I had with you
Sometimes I need a friend
Just to make it through
Another day spent without you."

Nagsimula na siyang kumanta. Nakapikit siya at dinama ang kanta. Tumahimik ang crowd at seryosong pinapakinggan siya.

"You gave me all the reasons to live, oh...
But then you had to go
And I just got to let you know
It's hard to love again
Just to make it through
Another day spent without you."

Pagkamulat niya sa kanyang mga mata ay muli siyang napangiti. Napatingin ako sa kabuohan ng mukha niya sa big screen. Napatili ulit ang mga tao nang mapansin na naluluha ang mata niya.

And then kinuha niya ang mic sa stand at nagsimulang maglakad habang kumakanta pababa sa crowd.

"And I don't want to go on pretending
That it's gonna to be a happy ending
If I should love again
Once I've learned to love again."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang huminto siya sa tapat ko pero hindi siya sa akin nakatingin, hindi niya ako napapansin.

"Sino ka ba naman, Hunt, para mapansin? hindi ka naman special." Bitter na sabi ko sa aking isipan.

"And, oh, it will never be the same
Without you baby
This pain inside me is driving me crazy
'Cause, it's hard to love again."

Humakbang siya palapit na akala ko sa akin pero hindi, lumapit siya sa babaeng katabi ko sa VIP seat na umiiyak na rin kagaya ko.

"Friends are great
They cheer me up for some time
Only for some time
But when the day is done
My mind is back again with you
Oh God, I need a friend
Just to make it through
Another day spent without you."

Nakatuon ang mata niya sa babae, titig na titig siya rito. Nakatayo lang siya na parang hinaharanahan niya ito.

"And I don't want to go on pretending
That it's gonna to be a happy ending
If I should love again
Once I've learned to love again
And, oh, it will never be the same
Without you, baby
This pain inside me is driving me crazy
'Cause, it's hard to love again."

Napahawak ako sa dibdib ko dahil nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. The way he look at her, I know at this moment na mahal na mahal niya ito.

"And, oh, it will never be the same
Without you, baby
This pain inside me is driving me crazy
'Cause, it's hard to love again."

Ngumiti siya sa babae. Napansin ko ang luhang tumulo sa mata niya na agad din naman niyang inalis sa mukha.

"Thank you for everything." Sabi ni Gohan sa babae na nagpakilig sa lahat.

Bumibigat ang dibdib ko sa naramdamang sakit. Alam ko na mali ang saktan siya kaya nanghihinayang ako para sa nakaraang sinayang ko noon. Hindi naman puwedeng pigilan ko siya. Ayokong magpakaselfish ulit. Dapat pa nga maging masaya ako ngayon para sa kanya.

"I love you," mahinang wika niya at niyakap ang babae.

Nakapikit ang mga mata niyang niyayakap ang babae. Ramdam ko ang higpit ng mga yakap niya parang dati lang---no'ng ako pa ang kayakap niya.

Dahan dahan siyang napamulat pero 'di pa rin kumalas sa yakap. But then namilog ang mga mata niya nang magtagpo ang tingin naming dalawa. Umawang ang bibig niya sa gulat nang makita ako. Natulala siya at nawalan ng lakas para manatili pa rin sa yakap na iyon.

Mapait akong ngumiti sa kanya at hindi ko na alam kung ano pa ang susunod kong gagawin.

Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko at maraming sana ang gumugulo rito na,

Sana nga talaga para sa akin ang kantang 'yon.

Sana ako na lang 'yong babaeng kayakap niya.

Na sana ako na lang ulit...

***

written by @direk_arch
All rights reserved ✔️

To Love Again [BXB]Where stories live. Discover now