Initial Trouble

3.3K 73 6
                                    

TUMILI ako ng i-review ang slow-mo kung sino ang nanalo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TUMILI ako ng i-review ang slow-mo kung sino ang nanalo. Si Thaysky ang nanguna, kaya tumayo ako at iwinasiwas sa hangin ang aking dalawang kamay.

"She did a great job, ha," Claire commented.

"Uh-huh?" Naibaba ko ang aking kamay ng magtanggal ng helmet ang manglalarong inaasahan ko na si Thaysky. It was her old sister, Eury.

"Nakalimutan mong buntis si Majesty. Siya dapat ang tatayaan ko, kaso kapatid niya ang maglalaro."

Nilingon ko si Millicent. "Alam mong maglalaro si Thaysky?"

"Oo naman. Narinig ko sa usapan nila Malik."

Inakbayan ako ni Clement. "Still, Duchess won. Going to send to your bank account the hundred thousand."

"I enjoyed the race. Can't wait to get my chance later," Sophia blurted out.

Millicent doesn't say anything. She just stood up and followed my cousins. I've been spacing out for some details and forget about Thaysky's pregnancy. I stood up and followed them too. While walking I sensed something uncomfortable from behind. AS if someone is watching me. I don't usually give a damn tonothing, but this one is giving me goosebumps. Huminto ako at lumingon sa likod.

Wala namang tao. Gaya kasi namin ay lilipat na rin sila sa susunod na bahagi ng paligsahan.

"Duchess, hurry up!"

"Coming, Clairey!" I yelled back, reminding myself that nothing to worry about. My bodyguards might be invisible but I know I am safe.

Our next destination is Valley Pavilion. Nauna na kami kay Clement dahil maghahanap pa siya ng parking space. Sa pagtulak namin sa natatandaan kong malawak na hardin ay nagkalat ang prominenteng pamilya sa bansa. Pamilyang Imperial at Cristobal na kapwa hindi na nag-iimikan, ngunit discreet para sa event na ito. Sa gilid ay ang pamilyang Oswold. Hinila ni Second si Millicent doon kaya maging kami ay naisama.

"Duchess?"

Lumapit ako upang paunlakan ng beso ang Ginang ng Oswold Family. Sa likod nito ang metikolosang mga anak na nagsipag-asawa na. Ang dalawa sa kanyang apo ay naging kaklase ko. Sadyang hindi lang kami nag-iiringan dahil kailanman hindi ako humiwalay sa mga pinsan ko. Natatandaan ko pa ang isa na naging ex ni Rocky. She gave me a knowing look, though.

Papasimula na ang swimming race kaya hindi na kami nagtagal sa pakikisalamuha upang sumali sa Hilton Clan table.

Some of the usherettes ushered each family for their respective seats on the lower landscape of the shore. I helped out mommy when we go downstairs. Nang sabihan niya akong kaya niya ay dumistansiya ako. Si Daddy kasi ay kinindatan ko. Naku, itong dalawa talaga. Ang sweet sa isat isa pero hindi manlang ako sinamahan ng kapatid. Ang tipid.

Muli kong naalala ang panunukso nila. Kung magkakatuluyan kami ni Shawn, siguro papayag ako sa tatlo. Gusto ko isang babae at dalawang lalaki. Para may tagapagtanggol ako.

Scurrilous AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon