Chapter 32

1.2K 22 0
                                    

Chapter 32

Kinabukasan ay mejo tanghali ako nagising. Onting muni muni saka bumangon at dumiretso sa banyo para maligo.

Habang nasa ilalim ng malamig na agos ng tubig galing sa shower ay naiisip ko na naman mga taong naiwan ko sa Pilipinas.

Iniwan ko dahil sa sakit na lumukob sa buong pagkatao ko. Sakit na pinaranas ng taong minahal ko ng sobra.

Araw araw gigising siya pa rin ang laman. Araw araw gigising panibagong araw panibagong sakit. Panibagong araw, buwan at taon and then boom! Hindi mo inaasahan its been five years.

Five years. Parang kahapon lang, two years lang. Sobrang bilis ng panahon, dalawang taon palang kahapon pero natulog ka lang limang taon na pala.

Naputol ang pagmuni-muni ko nang biglang tumunog ang phone ko, tiningnan ko iyon at si mommy lang pala nakikipag face time.

Sinagot ko ang tawag saka inihanda ang ngiti.

"Ma.." salubong ko.

"Anak, kailan ka ba uuwi?" She ask. "Miss na miss ka na namin." She said.

"Malapit na, Ma. Onting tiis nalang." I said para makombinsi ko siya. "Promise." I said.

"Okay. Promise yan ah? Bye na anak. I love you! And I miss you!" She said and then end the call.

Onti nalang Ma. Malapit na ako umuwi. Haharapin ko na ulit kayo. Haharapin ko na ulit yung mundong minsan ko nang kinalimutan. Mundong minsan ko nang isumpa.

Sana kung makita ko siya, wala na ako maramdaman ulit. Sana kung makikita ko ulit siya, maging masaya na ulit ako.

Five years pero feeling ko miserable pa rin yung buhay sa kadahilanang hindi siya mawala sa isip at puso ko. Kung makikita ko sana ulit siya, sana pareho na kaming masaya.

1 week have passed. Nakapag impake na ko, nire-ready ko nalang yung hand bag ko. Matapos kong i-ready ang lahat ay umupo ako don sa upuan na nandun sa bintana. Nandon yung kape.

Simimsim ako ng kape saka tumingin sa buwan. Wondering if kapag umuwi ako ano magiging reaksyon namin.

Nang matapos ko ang kape ko ay pumasok na ko sa kwarto para matulog na. Hindi alam nika mommy na uuwi ako bukas, isusurprise ko sila.

I can't wait to see them again.

Habang tulog ay nanginip ako.

Dreaming..

Lumabas ako ng airport habang hila hila ang mga laggage ko. Pumunta ako sa sakayan ng taxi para magantay ng dadaan.

Ngiting ngiti ako habang nag aantay ng taxi hanggang sa may nahagip akong pamilyar na tao.

Tinigan ko ang likod niya. May kasama siyang babae at magkahawak kamay sila. Inantay ko na lumingon sa gawi ko yung lalaki at laking gulat ko ng si Joshua pala iyon!

Parang milyong milyong punyal ang tumusok sa puso ko ng makita kong magkahawak kamay sila nung kasama niyang babae. Halata sa mga mukha nila ang saya.

Nangingilid na ang luha ko ng bigla siyang napatingin sakin. He stiffed, parang hindi siya makapaniwalang nakita niya ako.

Ngumiti lang ako sa kanya saka nagiwas na ng tingin dahil gusto nang bumagsak ng luha ko.

End of dreaming.

I Stupidly Fell In Love with my BestfriendWhere stories live. Discover now