16. Talking While Playing

221 17 14
                                    

Nakatingin lang ang triplet kay Cristine. Nag-aabang si Jeremiah ng isasagot ni Cristine kay Jerson.

"Teka muna." Singit ni Rachel.

"Bakit?" Tanong ni Jerson.

"Huwag mo munang kunin ang number niya. Bawal." Sabi uli ni Rachel.

"Wala naman sigurong masama kung kukunin ko ang number niya."

Nagsalita si Jeremiah. "Jerson, huwag kang makulit. Pinapahalata mo pa 'yang kakulitan mo."

"Naku, nakialam na naman." Napakamot ng ulo si Jerson.

"Ako lang ang may karapatan na kumuha ng number niya." Pagyayabang ni Jeremiah.

Nabigla ang dalawa niyang kapatid maging si Rachel. Nalilito ngayon si Cristine. Si KC naman ay hindi gaanong makapag-isip. "Saka na muna." Sabi ni Cristine at hinila si KC. Sumunod si Rachel.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Jerson. "Sama kami."

Sumunod ang tatlo. Nang makaupo sila sa canteen ay napansin nila na kasama nila ang triplet. "Pwede bang maki-join?" Tanong ni Jerson.

"Si-sige." Wala sa sariling sagot ni KC.

Nakangiti lang naman si Cristine. "Bakit ba sa'min pa kayo sumama?" Tanong ni Rachel.

"May itatanong ako." Sabi ng pangatlong kapatid ni Jeremiah. Nakatingin sila lahat dito. "Kakilala niyo ba si Damasco?"

"Classmate namin siya, bakit?" Pagyayabang ni Rachel.

"Talaga?" Si Jeremiah naman ang nagsalita.

"Oo nga. Wala ka bang tiwala? Kausapin mo siya at itanong mo."

"Oo na naniniwala na." Sabi ni Jeremiah.

"Magaling siya a. Classmate niyo pala siya?" Sabi ni Jerson.

"Oo, at malamang makakalaban niyo din sila." Sabi uli ni Rachel.

"Syempre, hindi kami magpapatalo." Sabi ni Jeremiah.

Uminom sila at nagkwentuhan saglit. Maya maya lang ay tumayo na sila para bumalik sa gym. Nakita nilang marami nang tao. Umupo sila sa upuan nila. Nakita nila ang team na nagwa-warm-up. Napansin ni KC si Stephen na nakatayo at nakatingin sa mga kakampi nito. Nakita din niya ang kuya niyang si King.

"Malapit na magsimula." Sabi ni Rachel. "Kinakabahan ako."

"Huwag ka nang kabahan, lamang pa tayo."

May sumingit na boses sa likod nila. "Huwag kayong pakakasigurado." Boses ni Jeremiah. "Hindi porke lamang kayo, kaya niyo nang manalo." Nakatayo ito sa likod nila. Napalingon lang silang tatlo.

"Alam namin 'yun, hindi mo na kailangang sabihin." Sagot ni Rachel na medyo pataray. "Kinakabahan nga kami kasi baka mahabol nila."

"Anong baka mahabol, talagang mahahabol 'yan. Hindi pa nila pinagsasabay ang tatlong magagaling nila."

"Ewan ko sa'yo."

Naglakad na si Jeremiah para magpunta sa upuan niya. Nawala na ito sa likuran nila. "Oo nga." Sabi ni KC. "Si Genesis, Melvin at Markie ang tinutukoy niya. Hindi pa natin sila nakitang sabay sabay pinasok."

Nanlumo si Rachel. "Oo nga. Lagot na."

Sumabat si Cristine. "Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kaya tayo lamang dahil mas malakas ang line up ng team natin. Kapag pinagsabay silang tatlo, maaari parin tayong manalo dahil makakapantay lang naman sila at hindi lalamang."

"Tama ka, sana." Sagot ni Rachel.

"Basta manood na lang tayo." Sabi uli ni Cristine. "58 to 45 ang score kaya medyo malaki pa ang hahabulin nila."

High School Superstars [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon